"YOU'RE HERE..." anas ni BK sabay haplos ng mukha niya. Ngumiti ito din ito kapagkuwan. Hindi niya maiwasang mapaingos nang bigla na lang itong pumikit. Nakangiti pa rin ito. Ano 'yon, biglang nagising lang? Dahan-dahan niyang tinanggal ang kamay nitong yumakap sa kan'ya. Mukhang matutulog ulit ito. Akmang tatayo siya nang bigla naman siya nitong hinila pahiga saka niyakap ng mahigpit. "'W-wag mo akong iwan," ani ni BK na nakapikit. "Kukuha lang ako ng bimpo at pupunasan kita. Hindi naman ako aalis, e." "Hmmn," sagot nitong nakapikit pa rin. Naramdaman niya ang pagluwag ng yakap nito. Gising ang diwa nito. Hindi lang kinaya siguro ng katawan dahil sa epekto ng alak. Talagang naparami ng inom. Hindi naman pala kaya, tapos iinom-inom? Amoy alak ang hininga, e, kahit ang damit meron