Czarina's P.O.V Nakatingin lang ako sa tyan kong nakaumbok na. "Hello, baby," sabi ko at hinaplos-haplos ang tyan ko. Kakagising ko lang at nakakatamad bumangon lalo na't naiisip kong kasama namin sa bahay ang dalawang taong sumisira sa marriage namin ni Blake. Tumayo ako at pumunta sa whole body mirror at pinagmasdan ang umbok ng tyan ko. Nakakatuwang makita na lumalaki na ang baby ko mag-aapat na buwan na rin kasi ito. "Hindi natin hahayaang maagaw ang daddy mo, lalo na at mayroon nang ikaw. Hindi ko na gagawin ang ginawa ko noon. Ilalaban kita, kasal kami, may anak kami, sa akin lang siya.." bulong ko at napangiti. She wants a fight? Then I'll give her... Pumunta ako sa kusina para magtimpla ng gatas. Narinig ko namang nagtatawanan ang mag-ina sa labas. Kinuha ko ang tasa n