Czarina's P.O.V Tinawagan ko si Seb pagkatapos ko bayaran lahat ng pinamili namin ni Blake, sinabi ko na rin kay Blake na huwag niya na ako balikan. Matagal bago sagutin ni Sebastian ang tawag ko. Naka-upo ako sa upaun ng food court. "Hello?" ani Seb nang sagutin niya ang tawag. "Bessy, punta ka dito," sabi ko. "Sa bahay niyo ba? May nangyare ba?" nag-aalalang tanong ni Seb. "Wala ako sa bahay, nandito ako sa Mall malapit sa amin, magkita tayo dito sa foodcourt," sabi ko. "Ha? Anong ginagawa mo dyan?" tanong niya. "Basta! Mahabang kwento, saka ko na ipapaliwanag kapag nandito ka na," sabi ko. "Ahh sige sige, hintay ka ng mga 10 minutes," aniya. "Sige, dito lang ako sa food court, hihintayin kita. Salamat," sambit ko. Binaba ko na ang tawag at napatingin sa paligid. Hind