Czarina's P.O.V "May sakit ba si Daddy?" "Bakit ganyan si Daddy?" "Dadi." Nandito kami ngayon ng kambal at ni Charm. Nakatingin lang kami kay Blake na tumba ngayon sa kama. Mabuti na lang at dinrive siya ni Billy kanina. Heto at knockout siya nakailang bote raw sabi ni Billy. Ilang buwan na rin kaseng hindi ko siya pinayagang uminom kaya mukhang tinodo ngayon. "Bukas okay na siya," sabi ko sa kanila. Nasaksihan pa tuloy ng mga anak namin ang kalasingan ni Blake. Hay! Hindi maingat ang asawa ko. Dinala ko na sila sa kabilang kwarto kung saan silang tatlo natutulog, si Isabelle naman ay nagbabantay doon sa kwarto nila minsan kase ay umiiyak si Charm. Bumalik na ako sa kwarto namin at inayos ang higa ni Blake. Tumabi ako sa kaniya. Minsan naisip kong swerte rin pala ako sa huli. K
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books