Czarina's P.O.V "Mommy!" napabangon ako nang marinig ang boses ni Yvaine. "MOM, DAD!" sigaw ni Zachary mula sa kabilang kwarto. "BLAKE! YUNG KAMBAL!" sigaw ko sa natutulog na si Blake. Alas tres pa lang ng madaling araw! Bakit sila sumisigaw ng ganitong oras? "WHAT!?" sigaw ni Blake at bumangon. Agad-agad akong tumakbo papunta sa kabilang kwarto kung saan nandoon sila Yvaine at Zachary. "Anak, bakit!?" sigaw ko. Pagbukas ko ng pinto ay nakita kong yakap-yakap ni Zachary si Yvaine habang umiiyak, tumakbo ako papalapit sa kanila at niyakap. "Does it happen again?" tanong ni Blake at lumapit sa amin. "Mommy! Lagi na lang sila nagpapakita sa akin! Nakakatakot sila!" umiiyak na sabi ni Yvaine at niyakap ako. "Babe, patulugin na lang natin sila sa kwarto natin," sabi ni Bla