Czarina's P.O.V "Nervous?" tanong ni Blake habang papasok kami sa mansion ng mga Roxas. Ngumiti lang ako at tumango, buti na lang at nakakaalala na ako. Konti lang kasi ang kilala ko sa mga pinsan ni Blake at kapamilya. Dito sa mansion na ito lumaki ang mga magulang ni Blake, naging reunion place na lang nila dahil lahat naman ng kapatid ng Papa ni Blake ay mayayaman na. "Bro!" salubong ng isang lalake kay Blake. Nagyakapan silang dalawa, ngumiti lang ako sa lalake dahil hindi ko siya matandaan. "Asawa mo, bro?" tanong nito. "Yeah. Czarina, meet my cousin, James," sabi ni Blake. Nakipag-shake hands naman ako kay James saka nagtungo na kami sa table namin. "Blake, gutom na ako," bulong ko kay Blake. "Sige, kukuha ako ng pagkain natin sa buffet," sabi ni Blake at umalis na.