Czarina's P.O.V "Good Morning sa maganda kong asawa na mas maganda pa sa umaga," bulong sa akin ni Blake. Napabangon naman ako bigla. Ang husky kasi ng voice niya at nakakakilabot. "Gising na! Gumayak ka na. We will have breakfast at my resto, I also need to check something there," sabi nito. Para naman akong na-excite kaya agad-agad akong tumakbo sa banyo para maligo. Nag-dress lang din ako para simple lang, tapos yung kambal nakabihis na sila ng Dora and Boots! Ako ang pumili noon kasi ang cute. ********* Nang makarating kami sa resto. "Good Morning, Ma'am, Sir," bati ng mga empleyado sa amin. As usual spot ay sa likod ng resto para din may privacy kami. "Wow! Ma'am, Sir. Ang ganda po pala dito," sabi ni Isabelle habang inuusisa ang mga piraso ng mga bulaklak. "Yeah. Maal