Charmaine's P.O.V Narinig ko ang kalabog mula sa kwarto nila kuya Blake, pumasok ako sa kwarto at iniwan muna ang kambal sa nursery room. "ATE!" hiyaw ko nang makitang nakahandusay ito sa gilid ng kama. Sinubukan niya sigurong tumayo pero hindi kinaya. Nakita ko rin ang basag nitong cellphone na mukhang nahulog. Hindi ko alam ang gagawin ko. Ang una kong naisip ay si kuya Blake pero agad ko munang inakay si ate Czarina pahiga sa kama. Hindi ko alam kung bakit siya na himatay pero kinakabahan talaga ako sa nangyayare ngayon! "CZARINA!" bigla kong narinig ang sigaw ni kuya Blake nang makapasok siya sa kwarto. "Kuya, bigla na lang siyang naging ganiyan! Hindi ko po alam kung bakit," sabi ko at pinulot ang basag na cellphone. "Czarina, wake up, please," ***********************