Czarina's P.O.V Today is Charmaine's recognition day! "Yaya Isabelle, okay na ba ang kambal? Aalis na tayo," sabi ko at tumingin muna sa salamin. Pinaghandaan ko ang araw na ito, talagang naglagay ako ng kolorete sa mukha. "Ang ganda talaga ng asawa ko," pambobola ni Blake at niyakap ako mula sa likod. "Bolero!" inis kong sabi at inilayo ang mukha niya sa akin. "At least sa 'yo lang ako ganito, you're my wife, you're the only woman I admire, expect our little Yvaine," sabi nito at ngumiti nang nakakaloko. "Talaga lang ha," pagbabanta ko. Umalis na kami at nagtungo sa paaralan ni Charmaine. Pagdating namin doon ay marami nang tao. Naupo kami sa bandang unahan para kitang-kita namin si Charmaine. Dala-dala naman ni Isabelle ang kambal na nasa stroller. Si Blake naman ay may haw