THIRTY-FIVE 4th day. Mas lalong nag-iinit ang ulo ko kay Esmera. Feel na feel nitong magpalakad-lakad sa sala ng mansion na naka two-piece lang. Nakatambay ako rito kanina nang tumabi si L.A sa akin. Kanina pa ako nakasimangot lalo pa't napansin kong sinasadya nito iyon. Maliligo raw kasi ito sa dagat. Alam n'yo 'yong panty na parang t-back na? Mukhang sanay na sanay ang pwet ng g*ga. "Stop frowning." Natatawang sabi nito na hinaplos ang pisngi ko. "Hoy! Esmera---" nahinto sa pag-akyat ng hagdan si Esmera. Kunwari'y nagtataka dahil sa pagtawag ko. "Why?" "Mag-t-back nang naaayon sa pwet, ha!" parungit ko rito na ikinabungisngis ni L.A. nagsalubong naman ang kilay nito. "What are you talking about?" "Wala! Tara L.A! Pakikitaan ko ito ng tamang pagsusuot ng t-back!" mas lalong tumawa

