Thirty-Six "Ayos ka lang ba?" nag-aalalang sabi ni Mamang nang magmulat ako ng mga mata. Hindi ko agad iyon na sagot dahil ang atensyon ko ay nasa puting kisame. Inaanalisa ang lahat. "J-as, anak?" tawag nito sa akin. Naiiyak pa ito nang haplusin ang buhok ko. Bahagyang hinawi nang nanghihina kong kamay ang kamay ni Mamang. Lumarawan ang lungkot sa mukha nito. "May gusto ka bang kainin? Gusto mo bang uminom?" "T-ubig!" paos na sabi ko rito. Mabilis namang kumuha ng tubig si Mamang. Pagbalik nito ay maingat n'ya akong inalalayan para makainom. Pagkatapos ay ginagap ang aking kamay. "Kumusta ang pakiramdam mo?" "A-no p-o ang nangyari?" hirap na tanong ko rito. Automatic na naglandas ang luha sa mata ng ginang. "K-ilala mo ba ako, J-as?" tanong ni Mamang. "O-po, i-kaw si Mamang!" umii

