Forty-nine "Magigising din s'ya maya-maya, kailangan na naming umalis. Remember this, wala ako o si Tori sa lugar na iyon." Mabilis akong tumango. "Thank you, Quinn!" ito ang nagpatulog kay Jas kanina. Nang malaman n'ya ang sinapit ni Mace, natuliro s'ya kaya naman lumapit na si Quinn at gumawa ng action. Narito na kami sa mansion. Iyak nang iyak ang Mommy Marcella nito nang makita si Jas. Kinailangan din itong pakalmahin nang ibalitang si Mace naman ngayon ang nawawala. Nang makaalis ang asawa ni Abe, tuluyan akong pumasok sa silid ko kung nasaan ang asawa ko. Saktong dumilat ito kaya naman agad akong lumapit. "S--i M--ace?" tanong agad nito kaya kinabig ko s'ya upang yakapin nang mahigpit. "Kailangan mong kumalma, magiging okay rin ang lahat. Makukuha natin si Mace, magkakaroon

