Fifty Magkayakap kami ni L.A sa couch. Marami ng tauhan ang kumikilos ngayon. Hinihintay lang na dumating sina Shade dahil may nilakad ang mga ito. Medyo nahihiya na ako kina Danny dahil naaabala na namin si Shade at ang ibang kaibigan pa ng mga ito. Nakatanggap kami ng info kay Mildred na nasa labas na sina Shade kaya naman nag-utos agad si L.A na papasukin. "Na-detect na namin ang location! Kikilos na kami!" sabi ni Shade kay L.A, nang marinig ko iyon ay mabilis akong lumapit dito. "Sasama ako!" sabi ko sa mga ito. "No! Stay here, delikado!" sabi ni L.A sa akin. Gustong-gusto kong sumama, baka madaan sa pakiusapan. "Hindi!" halos makiusap na si L.A sa akin. Alam ko naman kung bakit takot ito. Pero kapatid ko 'yong i-re-rescue nila. Kailangan naroon ako. "Jas, mas makakabuti kung

