MAY PARANG NARARAMDAMANG kakaiba si Bernard habang minamaneho ang sasakyan patungo sa bahay nina Blaire. It seems like something is wrong! At para maalis ang nararamdamang iyon, binilisan niya pa ang pagpapatakbo ng sasakyan. Halos isang araw na rin siyang hindi nagpapakita sa ama ni Blaire dahil nagsisimula na siyang magtrabaho. Sinisimulan na niyang sirain ang kumapanya nito. Kapag nagawa niya ang planong iyon, maibabalik na sa kaniya ang mommy niya. Magtatatlong linggo na rin niyang hindi nakakasama ang mommy niya. He missed her. Araw-araw siyang nag-aalala rito. Kung alam lang niya kung nasaan ito ngayon, baka pinuntahan na niya. Mayamaya pa ay nakarating na rin siya sa bahay nina Blaire pero bago iyon, may nakita siyang isang kotse na tumigil sa hindi kalayuan. Napailing siya. Itinig

