MALALIM NA NAGPAKAWALA ng hangin sa bibig si Blaire saka pinihit ang seradura ng pinto ng kuwarto niya. Ngunit nadismaya lang siya nang hindi iyon magbukas. Naka-lock talaga. Ilang beses na niyang sinubukang buksan iyon ngayong araw pero hindi niya magawa. Hanggang kailan siya mananatili rito? Gusto na niyang lumabas. Habang-buhay na lang ba siya rito sa kuwarto niya? Nakahiga sa kama habang may sariling mundo? Nang ikulong siya ng daddy niya rito, inalisan na siya ng karapatang gumamit ng kahit anong gadgets. Parang teenager lang siya ng grounded dahil may nalabag. Nang dahil doon, hindi niya makausap sina Paulin at Danny. Nababagot na siya sa kuwarto niya, sa totoo lang. Dismayadong tumalikod si Blaire saka naglakad patungo sa kama. Ayon lang naman ang ginagawa niya kundi ang humiga— ma

