CHAPTER 95

1763 Words

"BRO, BALAK MO bang pumatay?" tanong ni Cross nang makababa na sila sa unang palapag ng bahay niya. Inihilamos ni Sergio ang palad sa mukha saka bumaling sa kaibigan. "Matagal ko nang balak pumatay, Cross. Kung hindi ka nga lang dumating, baka napatay ko na ang babaeng iyon," tugon niya saka pabagsak na umupo sa couch. Umalis na si Ashanti dahil natakot yata sa kaniya. Hindi siya natatakot kung may pumunta mang pulis sa bahay niya para hulihin siya. Wala siyang paki roon. Iniisip niya nga na mas mabuting makulong na lang kaysa manatili rito sa bahay niyang halos nakakabingi na dahil sa katahimikan. "Ayaw mo naman sigurong makulong, 'di ba? Magiging maayos pa kayo ni Blaire. As what you've said, you will do everything bumalik lang ang nakaraan. E, paano mo magagawa ang gusto mo kung nasa

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD