"HOY, BLAIRE, TULALA ka riyan!" "Girl, ano bang iniisip mo? Don't tell me may pinagnanasahan ka riyan sa isip mo?" Natigilan na lang si Blaire sa malalim na pag-iisip nang marinig iyon sa mga kaibigan. Bumaling siya sa mga ito at nakakunot na ang mga noo nila. "Ha?" wala sa sarili niyang anas. "Anong ha, girl? Bakit ka nga ba tulala?" Si Danny. "Ah, wala-wala. Tulala ba ako? Hindi naman." "Anong hindi naman? Blaire, kanina pa kaming salita nang salita rito tapos hindi ka naman umiimik. Sino bang iniisip mo? Sino bang bumabagabag diyan sa puso mo, ha?" sunod-sunod na tanong ni Paulin. She immediately shook her head. "Wala akong iniisip, no. Ano lang, inaantok lang siguro ako kaya hindi ko kayo narinig kanina. Hating-gabi na kasi ako nakatulog kagabi," aniya. She's lying dahil ang to

