"F*CK, BLAIRE! s**t!" sunod-sunod na napamura si Sergio nang biglang mahulog si Blaire sa dagat. Kaagad siyang tumalon at dinako ang kinaroroonan nito. Ang lakas ng kabog ng dibdib niya ng mga sandaling iyon dahil sa nangyari kay Blaire. Hinanap niya ang dalaga sa ilalim ng dagat at nakita niyang sinusubukan nitong umahon. Ginamit niya ang buong lakas niya para mailigtas ito. At nang makalapit siya rito, agara niyang hinawakan ang kamay nito at hinila pataas. Nang makaahon, kaagad siyang kumuha ng maraming hangin at kalaunan ay binalingan si Blaire na walang malay. "Blaire, hey, Blaire. Wake up, I-I'm here..." aniya habang inaalog ang katawan nito. But Blaire didn't respond him. Nabahala siya nang lubusan kaya agad siyang tumawag ng tulong. Iyong speed boat na nagpapaandar ng banana boa