KUNG HINDI SIYA iniligtas ni Sergio, baka patay na siya. She's always thankful dahil kahit si Sergio ang naging rason kung bakit siya nahulog, iniligtas pa rin siya nito. Gusto niyang pasalamatan ito ng ilang beses pero tama na ang ginawa niya. She already thanked Sergio for saving her life. Ayaw niyang umuwi ng bangkay na, never! "So, ayos ka na ba?" Paulin asked then put the coffee in front of her. Nasa cabin sila at binisita siya ng kaibigan. Nagpatimpla siya rito ng kape dahil nakaramdam siya ng lamig. Marahil ay dahil ito sa nangyari kanina. Kung lalagnatin siya mamaya o bukas, hindi na siya magugulat. "Thank you, Paulin. Oo, ayos lang ako." At kinuha niya ang tasa at humigop doon ng kape. "Si Danny, nasaan na iyon?" tanong niya kapagkuwan. "Ayon, nakikipagharutan na naman. Are yo