CHAPTER 64

1887 Words

NAPAPITLAG SI BLAIRE nang biglang may kumatok sa main door ng bahay. Nasa salas siya habang abala sa pagtingin ng photo album na hawak. Tatlo lang sila sa bahay. Wala si Sergio dahil pinatawag ng pulis para tanungin sa nangyari nitong nakaraang araw sa Wild Island. Siya, ang mommy ni Sergio, at si Nancy lamang ang tao rito sa bahay. Si Nancy ay ang kasambahay na hi-ni-re ni Sergio. Sino naman kaya iyong kumakatok? Natakot siya ng mga sandaling iyon. "Diyos ko, sino naman kaya iyon?" animo'y natatakot na tanong ng mommy ni Sergio sa kaniya. Umiling siya. "Hindi ko rin po alam. A-Ano pong gagawin natin? Binilinan po tayo ni Sergio na huwag bubuksan ang pinto." "Hindi ko alam ang gagawin natin, hija. Pero naiisip ko na pagbuksan na rin natin. Sandali at sisilip lang ako." Tumayo ito at na

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD