PARANG WALA SA sarili si Blaire habang nakatingin sa kawalan. Hindi pa rin maalis sa utak niya ang nalaman kanina kay Paulin. Hindi tungkol kay Sergio, kundi tungkol sa daddy niya. Tumakas daw ito sa ospital na kinalalagyan. Tinulungan ito ng mga nagpanggap bilang nurse. Bakit kailangan nitong tumakas? Para saan? Gusto niyang umalis para pumunta sa bahay nila para makausap sa daddy niya pero wala siyang kakayahan. Isa pa'y natatakot din siya dahil baka anumang oras, ikulong na naman siya nito. Pero hindi niya maintindihan ang nangyayari ngayon. Wala naman itong kailangan takasan para gawin iyon. Sunod-sunod na napailing si Blaire saka kinuha ang cellphone na nakapatong sa lamesang nasa tabi lang niya. Hinanap niya ang numero ng mommy niya at walang pagdadalawang-isip na tinawagan ito. Per

