NANG MAKALABAS SI Sergio sa bahay niya, agad siyang sumakay sa sasakyan at minaneho iyon patungo sa destinasyon niya. Galit siya ngayon. Si Ashanti ang tumawag kanina at kinukulit siya nitong makipagkita rito. Pero nang hindi siya pumayag, may sinabi ito na nagpapayag sa kaniya. Hindi siya makikipagkita rito dahil gusto nito, makikipagkita siya para asikasuhin ang sinabi nito sa kaniya. Hindi niya hahayaan na mailabas iyon ni Ashanti dahil tiyak na masisira ang relasyon nila ni Blaire. Kinuha ni Sergio ang cellphone sa bulsa saka tinawagan doon ang numero ni Cross. After almost a few seconds, he aswered. "Napatawag ka, Sergio?" "I want you to buy a brand new phone," aniya sa mahinahong boses. "Bakit? Para kanino ba? Sa iyo ba?" "No, para kay Blaire. She has no phone right now." "O-Ok

