ITINIGIL NI SERGIO ang kotse sa harap ng bahay ng magulang. Agad siyang bumaba roon at tinakbo ang loob. Nang makapasok, kaagad niyang hinanap ang mommy niya pero hindi niya nakita. Maybe she's on the second floor. Nagtatakbo siya patungo sa ikalawang palapag ng bahay at hindi pa man siya nakakarating, narinig niya agad ang malakas na sigaw ng daddy niya. "F*ck this, Victoria! Did you talk to Sandro? Para ano, para magsumbong na sinasaktan kita?!" Kaagad na ikinuyom ni Sergio ang mga palad at halos nilipad na ang kinaroroonan ng boses. Galit niyang itinulak ang pinto at nakita niya agad ang mommy niya na nakaupo sa sahig at ang demonyo niyang ama ay nakatayo sa harap nito habang may hawak ng alak. Fuming mad, he approached him and punched his face. Agad itong natumba at nabitiwan pa ang

