IPINARADA NI SERGIO ang kotse sa harap ng bahay ni Ashanti. Madilim sa loob kaya hindi siya sigurado kung nandito ba ito rito o wala. Pero papasok pa rin siya dahil hindi siya makakampante hanggat hindi nakakausap ang babae. Nagtungo rin siya para gawin ang pakay niya. Nang buksan ni Sergio ang pinto, bahagya siyang nagulat nang bumukas iyon. It means, Ashanti's here. Umiling siya at pumasok sa loob pero kadiliman ang bumungad sa kaniya. Kinapa niya ang switch ng ilaw sa tabi ng pinto at pinindot iyon. Nagliwanag ang kabahayan ngunit hindi niya nakita si Ashanti. Nakakabingi ang katahimikan. Nasaan na ang babaeng iyon? Hindi na siya makapaghintay na patayin ito! Sinarado niya ang pinto at nagpatuloy sa paglalakad. Hahanapin niya muna ito rito sa unang palapag dahil baka nagtatago ito. Ma

