NANG MAGISING SI Blaire, madilim na ang labas. Inaantok siyang bumangon at luminga-linga sa kaniyang paligid. Nasa loob siya ng kaniyang kuwarto at wala siyang kaalam-alam na sa sahig na siya nakatulog. Napakibit-balikat siya at tinungo ang banyo. Nang makapasok, humarap siya sa salamin at pinakatitigan ang sariling replekasyon. Namumugto ang mga mata niya. Halatang-halata roon ang matindi niyang pag-iyak. Sinubukan ni Blaire na pigilan ang luha pero hindi na niya nagawa sapagkat tuluyan nang tumulo iyon sa kaniyang mga mata. Walang emosyong tiningnan ang sarili habang nakayukom ang mga palad. That's really hurt. Gusto na niyang alisin sa utak ang katotohanang hindi talaga sila para sa isa't-isa ni Sergio. Marahil ay pinagbigyan lang sila nang maikling panahon para magsama. Pero iyong gina

