CHAPTER 20

2517 Words
Kinaumagahan ay nagising si Laila na balot ng kumot ang kanyang hubad na katawan. Humupa na ang malakas na ulan maging ang init ng kanyang katawan. Nanibago siya dahil dati rati'y marami na siyang yabag na naririnig sa mga oras na yun. May mga tao na siyang naririnig na nag uusap at may mga bata ng nagsisipag tawanan sa pakikipaglaro. Wala sa tabi niya si Isagani na nagpabalikwas agad sa kanya mula sa pagkakahiga. Tinungo niya agad ang kanyang bag at dumukot duon ng isang pares ng shorts at t shirt at underwear. Mabilis niyang isinuot yun at tinungo agad niya ang pintuan. Lumabas agad siya upang hanapin si Isagani. Hindi niya agad nakita ito kaya't tinawag na niya ito sa pangalan. "Isagani." "Isagani." Sinabayan ni Laila ng paglalakad habang tinatawag niya si Isagani. Tatawag sana siyang muli ng makita niya si Isagani na nakaupo habang nakasandal sa isang puno habang ito ay naninigarilyo at nakatingin sa malayo. Nilapitan agad ito ni Laila. Namalayan naman agad ni Isagani ang pagdating ni Laila. "Maaga ka ba nagising?" bungad na tanong ni Laila. "Oo."  matipid na sagot ni Isagani "Gusto mo ba ng kape?" muling tanong ni Laila "Maya maya na lang siguro." sagot ulit ni Isagani Napansin ni Laila ang kilos ni Isagani. Ang pagiging seryoso ng mukha nito at ang matipid na pagsagot nito sa mga tanong niya. "M-May problema ba?  M-may gumugulo ba sa isip mo?" naaalangang tanong ni Laila habang umuupo sa tabi ni Isagani. Humugot muna ng buntung hininga si Isagani bago ito magsalita ulit. "Nagtext na naman ang Tatay ko. May sakit daw ang Nanay ko. Dalawin ko man lang daw." sI Isagani na nanatiling nakatingin sa malayo "Oh, bakit hindi mo dalawin? Anong masama dun? Nanay mo naman yun." si Laila "Iniisip ko kasi baka gawa gawa lang na naman nila yan para umuwe ako at kumbinsihin na naman na lumayo na ko sa samahang 'to." si Isagani "Eh paano kung totoo ngang may sakit?" katwiran ni Laila "Yun din nga ang iniisip ko. Pero Laila, may kapatid akong nurse, may kapatid akong engineer na ang asawa ay therapist naman, so kung may sakit man si Nanay pwede naman sila ang tumingin o mag alaga." humarap si Isagani kay Laila habang sinasabi yun. "B-baka naman namimiss ka din ng Nanay mo. Saka iba kasi yung presence eh. Nanay yun, natural na hanapin o mamiss niya mga anak niya." si Laila "Bahala na. Nga pala nagtext ang ate mo, nagtanong lang kung nagkita tayo. Kahapon pa yung text niya kanina ko lang nabasa pero nag reply na ko." si Isagani "So anong plano mo?" tanong ni Laila na tumingin din sa direksyon ng tinitingnan ni Isagani "Hindi ko pa alam. Hindi lang naman kasi yun ang iniisip ko. Yung samahan na 'to. Hindi ko alam kung paano simulan ulit. Kung aanib naman kami sa iba, mas malayo yun, sa may Rizal. Ikaw naman ang iniisip ko. Sasama ka ba kung sakali?" sabi ni Isagani sabay baling kay Laila ng siya ay magtanong. Hindi agad nakahanap ng isasagot si Laila sa tanong na yun. Natatakot siyang sabihing hindi dahil takot siya na yun ang maging dahilan ng pagkakahiwalay nila ni Isagani. Hindi naman siya kaagad makasagot ng oo dahil inisip niya na baka magdesisyon agad si Isagani na makianib nga sa ibang samahan. Napansin ni Isagani ang hindi kaagad na pagsagot ni Laila kaya't sinundan niya agad ang kanyang sinabi. "Hindi naman kita mapipilit kapag ayaw mo. Pero hindi ko rin naman kaya na mawalay ulit sayo. Kaya nagtatalo ang isip ko sa mga bagay bagay." sabi ni Isagani na muli na namang nagsindi ng panibagong sigarilyo. "Kahit naman ako Isagani, ayoko ng magkahiwalay tayo ulit. Pero yan din ang gusto kong itanong sa yo. Hanggang kailan tayo ganito?" nagtatanong si Laila pero sa malayo pa din ito nakatingin "Tara magkape muna tayo. Saka ko na lang ulit isipin ang mga yan." yaya ni Isagani na sinabayan agad ng tayo. Iniabot niya ang isang kamay kay Laila upang makatayo din agad ito. "Laila." bati ni Isagani habang sila ay nagkakape. "Oh?" sagot naman ni Laila "Tatagal ka bang kasama ako dito habang nag iisip pa ko ng mga dapat kong gawin?"  si Isagani Mabilis ang naging pagsagot ni Laila na hindi na niya kailangang pag isipan. "Oo naman, kaya lang Isagani iniisip ko yung pagkain nito dito. Mauubos at mauubos din tiyak ang hawak nating pera." sagot ni Laila "Matagal pa yun Laila, ang importante ay marinig ko sayo yung inaasahan kong sagot."  nakangiting tugon ni Isagani "Iwan kita sandali dito ha. Bababa ako habang maaga, bibili lang ako ng mas maraming de lata at ibang pagkain na pwede nating i stock. Kumakain ka namang ng tuyo, dilis at daing di ba?" patuloy ni Isagani "Oo naman. Saka marami pang gulay sa paligid." si Laila "Okey. Bigas pa pala ang dadamihan ko. Okey sige na. Mag iingat ka. Aalis na ko para makabalik ako agad. " pagkasabi nun ay hinigop ni Isagani ang kape at tumayo na. Mabilis itong nagpalit ng damit. Hindi nito maaaring kalimutan ang sumbrero. Humalik muna ito kay Laila bago tuluyang lumabas ng bahay. Naging masaya at nakaramdam ng kakuntentuhan si Laila ng mga sumunod na araw. Nabuhay silang dalawa ni Isagani sa kabundukan. Paminsan minsan ay may dumadalaw duon na kasama si Isagani at nakikibalita sa magiging desisyon ni Isagani para sa samahan. Iisa lamang ang naging sagot ni Isagani sa bawat nagpupunta roon... na bigyan siya ng panahon na makapag isip kung ano ang magiging sunod nilang hakbang. Isang mahigpit na dahilan din ni Isagani ang pag tiwalag ng mga baguhang miyembro na lalong nagpahina sa kanilang pwersa. Nalilibang si Laila sa pagtatanim ng iba't ibang gulay na araw araw niyang sinusubaybayan ang pagtubo at paglaki nito. Ginawa namang mas matatag ni Isagani ang kanilang bahay na tinutuluyan. Kumuha siya ng ibang materyales sa mga bahay na naroon upang maging handa sila sa mga ulan at malalakas na hangin. May mga pagkakataon din na tinuturuan ni Isagani si Laila na humawak ng baril at umasinta. Kahit silang dalawa lang, ay para silang mga bata na naglalaro ng baril barilan gamit ang totoong baril na tinanggalan ni Isagani ng bala. "Bang. O patay ka na ha." sabi ni Laila "Anong patay? Nakailag kaya ako." depensa naman ni Isagani "Hoy, nung lumabas ka sa puno sabi ko "bang"   so nauna ko. Kaya patay ka na nun." katwiran naman ni Laila "Daya mo naman. Eh nakailag nga eh. Kanina ako unang nakabaril sa yo sabi mo nakailag. Ngayon namang ako, sasabihin mo tinamaan mo ko." si Isagani "Basta all two na score ha. Ano game ulit?" si Laila "Okey sige. Game." si Isagani Lalong naging masaya ang kanilang pamumuhay ng minsan isang linggo ay ipinapasyal nga mga magulang nila ang mga batang tinuruan dati ni Laila. Minsang salo salo sila sa pagkain, minsan naman ay sa batis sila nagkakasiyahan. Naging mas madalas ang paliligo nila Isagani at Laila sa batis. Minsan ay kahit naka underwear lang kung sila ay maligo dito. "Laila, tara lang may ituturo ako sa yo."  si Isagani habang sila ay nakalusong sa tubig sa batis. "Ano yun?" si Laila na palapit kay Isagani "Nakikita mo ba yung bato na yun? Ayun o yung malaki na yun na may kaharap din na isang malaking bato?" turo ni Isagani "Oh, nakikita ko na. Bakit ano merun diyan sa batong yan?" nagtatakang tanong ni Laila "Dyan sa batong yan kita unang nakuha?" sabi ni Isagani "Ha?  Anong nakuha? Hindi kita maintindihan."  nakakunot ang noong sabi ni Laila "Hahaha. Naalala mo ba nung sinamahan kitang maligo nuon? Nung hindi ubra si Ka Lota?"  pagpapaalala ni Isagani "Oh naalala ko."  patuloy na nakakunot noo si Laila "Nandyan ako nuon pero hindi mo ko nakikita. Tapos nakikita mo 'to." sabi ni Isagani at ipinakita ang kanyang kanang kamay na bahagyang nakadakot "Hindi ko pa din ma gets." sabi ni Laila "Ganito oh." pumikit si Isagani at ipinakita niya kay Laila ang kamay na mabilis nagta taas baba. "Bastos nito. um um um" si Laila habang hinahampas si Isagani Tumakbo si Isagani habang nakalusong ang kalahati ng katawan sa tubig. Hinabol naman siya ni Laila habang isinasaboy nito kay Isagani ang tubig na sinasahod niya. "Bastos mo... Ikaw pala ang mamboboso ha. 'Lika dito. Lagot ka sa 'kin pag naabutan kita." si Laila habang pilit na tumatkbo sa ilalim ng tubig Araw araw nilang pinagsasaluhan ang tamis ng kanilang pag iibigan. Maging sa batong malalaki na pinagkublihan ni Isagani dati, ang minsang lugar kung saan niya pinantasya si Laila ay ginawan nila ng katuparan. Napakabilis ng mga araw ng lumipas. Dati rati'y madalas mangamusta ang ate ni Laila na si Leslie, pero ng naramdaman nitong masaya si Laila sa kasalukuyang sitwasyon ay madalang na ito mag text kay Isagani. Ang Ate Leslie na din niya ang pinapunta ni Laila sa paaralang pinagtuturuan niya upang makipag usap at gumawa ng dahilan kung bakit hindi na siya makakapagturo. Tatlong buwan ang mabilis na lumipas ng makatanggap na naman ng message si Isagani na galing sa kanyang ama. "Samahan mo ko bukas ng umaga Laila. Bababa tayo." sabi ni Isagani habang nakahiga na sila ni Laila "Saan tayo pupunta?" "Mahina na daw ang nanay ko." may pag aalala sa boses ni Isagani " Ha? Okey sige." sagot ni Laila Nagpapasalamat si Laila at naisipan ding dalawin ni Isagani ang kanyang ina. Subalit may halo itong pangamba sa kalagayan ng kanilang pupuntahan. Madilim dilim pa ay bumaba na sila ng kabundukan ay malapit ng magliwanag ng narating nila ang highway kung saan may dumadaang mga sasakyan. "Saan nga pala ang bahay nyo Isagani?" tanong ni Laila. Sa tinagal tagal ng kanilang pagsasama ay hindi nila napag usapan ang mga bagay tungkol kay Isagani, maging kung saan ito nakatira. "Sa may Quezon City lang." sagot ni Isagani Hindi naman nagtagal ay nakasakay na sila. Dahil sa maagang paggising ay pareho silang nakatulog sa biyahe upang ituloy ang nabitin nilang pagtulog. Pagdating nila ng terminal ng bus sa may Timog ay pumara si Isagani ng taxi . Halata kay Isagani ang pagiging mapagmatyag nito lalo na sa lugar na may mga pulis, bagama't hindi pa naman siya wanted o pinaghahanap ng batas, iniiwasan lang niyang magkaroon ng pagkakakilanlan sa kanya na kasapi ni Kumander Balag na siyang dating pinaghahanap ng awtoridad. "Birmingham Manong." sabi ni Isagani sa driver Inisip ni Laila na maaaring isang street o lugar yun sa Quezon city.  Hindi na lang siya nagtanong dahil mas iniisip niya ang pakikiharap sa pamilya o sa mga magulang ni Isagani. Kaya kahit paano ay nagsuot siya ng maayos na blouse at semi slacks na pantalon. "Alam ba nilang darating ka Isagani?" si Laila "Oo, nireplayan ko kaagad kahapon ang tatay ko." sagot ni Isagani Anim na taon ng kasapi si Isagani sa samahan... at sa loob ng anim na taon na yun ay dalawang beses pa lang siya nauwe ulit sa kanila at magiging pangatlo ang uwi niya ngayon. Ang unang uwi niya ay nung unang taon niya sa samahan. Nauwi lang siya ulit ng sumunod na taon dahil lumipat nga ng kuta ang kanilang samahan sa nueva ecija at naisipan niyang dumaan sa kanilang bahay. Naalala pa niya ang huling uwi niya nuon. Halos ikulong na siya sa bahay sa pagpigil lang na umalis siya. Gusto pang tawagan ng tatay niya ang kaibigan nitong mataaa ang katungkulan sa militar para gawing panakot sa kanya. Pero walang nakapigil sa kanya kahit pa ang Kuya niya na hamak ang laki ng katawan sa kanya. Nilabasan niya ng baril ang mga ito at itinutok sa sintido niya kung hindi siya paaalisin. Kaya't wala na din silang nagawa lahat kundi ang pagbigyan siya sa gusto niya. At duon na nagsimula ang paminsan minsang imbento nila na may sakit ang tatay niya o kaya ang nanay niya, matutuklasan niyang gawa gawa lang yun para umuwe siya dahil birthday ng tatay niya p ng nanay niya. Ang gusto ng mga kapatid niya ay kumpleto sila sa mga ganuong okasyon. Pero nagsawa na din ang mga ito dahil hindi naman ito pinagbibigyan ni Isagani. Ngayon lang ulit umulit na siya ay pinilit umuwi dahil sa kalagayan ng kanyang ina. Nagduda siya nung una, pero nag isip siya na maaari ngang totoo dahil sa pag message ulit nito sa kanya makalipas lang ang ilang buwan. Nagulat si Laila na isa palang subdivision ang  Birmingham. Sa tingin niya ay matagal na itong subdivision dahil marami ng kabahayan dito at ang iba ay naluma na ang mga pintura. May mga malalaking bahay at meron din namang simple lang. Napapansin ni Laila na panay lang ang bigay ng direksyon ni Isagani sa driver pero hindi niya ito makitaan ng anumang reaksyon sa pag uwi na yon. "Manong sa dulo po ng kantong yan , dun nyo po kami ibaba." sabi ni Isagani "Eto na tayo." baling nito kay Laila "Okey sir."  sagot ng driver kay Isagani Huminto sa kanto na itinuro ni Isagani ang taxi. Tumingin muna sa malaking bahay ito bago ito tuluyang bumaba kasabay sa kabilang pinto na bumaba si Laila. Dalawa ang bahay sa kantong hinintuan nila. Isang two storey na may landscape sa harapan ang bahay at isang kotse angnasa kaliwa at malaking  bahay sa kanan na tatlong doble ang laki ng property nito kumpara sa nasa harapan nito. May mga sasakyang nakaparada sa mahaba nitong garahe. Kinagulat ni Laila ng lumapit sa gate ng malaking bahay si Isagani. Hindi niya akalain na hindi basta may-kaya sila Isagani. Alam ni Isagani kung paano buksan ang hindi nakakandadong gate. Pagkabukas nun ay niyaya na niya si Laila na pumasok sa loob. "E-eto ang bahay nyo?" si Laila na gulat pa din. "Oo. Bakit?" tanong ni Isagani "A-ang laki pala. Akala ko.." si Laila "Akala mo ano? Tara na sa loob. Wala ditong aso. Allergic si Mama." sabi ni Isagani "Mama?, akala ko ba ay Nanay lang. Alam kong may kaya sila ayon sa kwento ni Rigor, pero hindi ko inasahang ganito." sabi ni Laila sa sarili habang papasok na din siya sa mataas na gate. Mas lalong ikinagulat ni  Laila na may password ang main door ng bahay nila Isagani. May pinindot na kombinasyon si Isagani sa gilid ng pinto na animo'y nasa atm machine siya, pero hindi bumukas ang pinto. Inulit pa niya ito pero hindi pa din nagbukas. "Nagpalit siguro sila ng password. Teka." sabi ni Isagani Inilabas nito ang phone at may tinawagan. "Dito na po ako sa labas. Hindi po ako makapasok, mukhang iba na naman ang password dito." sabi ni Isagani sa kausap sa phone "Papa ko" dugtong niya sabay tingin kay Laila Ilang saglit lang ay bumukas ang pinto at sumalubong sa kanila ay isang babae na sa tingin ni Laila ay kasambahay. "Sir, pasok po. Nandun po Papa nyo sa may dining area."  salubong sa kanila ng kasambahay Mas napamaang si Laila sa ganda ng loob ng bahay nila Isagani. Maaliwalas ang sala nito, mamahalin ang muwebles na ginamit at karamihan sa mga nakikita niya ay halos antique ang mga gamit. Nakita din niya ang malaking family portrait na nakakabit sa dingding. Kahit medyo mabilis ang kanilang lakad ay nabilang ni Laila na walo ang nasa painting at inisip niya agad na dalawa duon ay ang mama at papa ni Isagani at mga kapatid naman ang iba. Napansin ni Laila na wala pa siyang nakikitang tao bukod sa kasambahay na nagbukas ng pinto. Napakatahimik. Naisip niya agad na bakit tinalikuran pa ni Isagani ang ganoong klaseng pamumuhay at nagtiyaga sa buhay sa kabundukan. Hanggang sa narating nila ang dining area. Dinatnan nilang nakaupo ang isang lalaki na medyo may edad na.  Nakasuot ito ng salamin, nagbabasa ng diyaryo habang nagkakape.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD