Punung puno ng pananabik kay Laila ang pagkikita nilang muli ni Isagani. Parang gusto na niyang pumikit at sa pagdilat niya ay kaharap na niya si Isagani. Subalit naiwan sa kanyang kaisipan ang sinabi sa kanya ng kanyang ate.
Oo nga at mahal niya si Isagani at mahal din siya nito, pero paano at saan nila itutuloy ang kanilang pagmamahalan.
Alam ni Laila na matibay ang paninindigan ni Isagani para sa kanyang prinsipyo pero pipilitin pa din niya itong sumuko. Pero gaya nga ng tanong ng ate niya na paano kung hindi ito pumayag. Yayain man si Laila na manirahan sa kabundukan basta kasama si Isagani ay payag siya, pero hindi niya pinangarap na maging isang rebelde na tinutugis ng batas.
Ayaw pa sanang isipin ni Laila ang mga ganung bagay dahil ang tanging nais niya ngayon ay ang magkita sila ng lalaking isinisigaw ng puso niya, pero sa kabila ng pananabik na yun ay may alalahanin pa ding naiwan sa kanya.
Pinilit niyang gumawa ng tulog para mabawasan ang inip niya sa biyahe pero sa oras na ipikit niya ang mga mata ay mukha lagi ni Isagani ang rumerehistro dito.
Dahil sa pinanatili niyang nakapikit ang mga mata ay naidlip din si Laila. Nagising na lamang siya sa sigaw ng konduktor. Alam niyang malapit na siya sa binabaan ng mga huling pumara.
Kumislap ang mga mata ni Laila ng matanawan na niya ang bundok. Malayo pa ito 'y nagidiriwang na siya.
Nangiti si Laila sa ekspresyon ng konduktor ng pumara siya. Naalala niya ang ekspresyon ng mukha ng konduktor at driver ng dati niyang sinakyan.
Luminga linga muna si Laila sa pag aalalang may makakita sa kanya sa pagpasok sa paanan ng kabundukan bago siya tuluyang pumasok dito.
Malapit na siya sa paanan ng bundok ng tumuloy siya sa paglinga. Sa pagkakataong yun ay si Isagani naman ang kanyang hinahanap.
Ayaw niyang magtuloy na umakyat ng bundok dahil sinabi niya sa ate niya na sa paanan lang ng bundok sila magkita. Gusto niyang mainis sa sarili niya na hindi man lang siya nakabili kahit na mumurahing cellphone simula ng nakabalik siya ng Maynila. Naisip niya kasing kailangan niya ngayon yun.
Nilibot pa ni Laila ang ibang bahagi ng paanan ng bundok pero hindi pa din niya makita si Isagani. Ayaw naman niyang sumigaw at baka may makarinig sa kanya na napapadaan duon.
Nakaramdam siya ng pagod at sumandal siya sumandali sa isang puno.
Hinihingal man ay panay pa din ang gala ng paningin ni Laila. Iniisip niya tuloy na baka hindi natanggap ni Isagani ang text ng ate niya at sumugal na siyang pumanhik ng bundok habang maaga pa.
Sisimulan na niyang humakbang ulit ng biglang may humatak sa kaliwang braso niya. Kinabahan siyang bigla kaya't pinihit niya agad ang katawan upang malaman kung sino ang may tangan sa braso niya.
Nawala lahat ng kaba niya ng humarap siya sa taong nagmamay ari ng kamay na yun.
"Isagani!"
"Laila"
Sapat na ang magkita sila upang pawalan ang sinisigaw ng kanilang damdamin. Isang mahigpit na yakap agad ang isinalubong nila sa isa't isa.
"Akala ko hindi na tayo magkikita Laila." sabi ni Isagani habang yapos ang mukha ni Laila
"Hindi mo lang alam Isagani, lagi kong ipinagdarasal na sana ay buhay ka. Na kahit sa panaginip ay dalawin mo ko. Pero eto ka na ngayon. Buhay na buhay." si Laila na hinahaplos ang bawat parte ng mukha ni Isagani.
Sa pagkakataong ito ay ang kanila namang mga uhaw na labi ang kanilang pinagbigyan. Ang naudlot nilang paghahalikan na dati rati ay may pag aalinlangan, subalit ngayon ay malaya nilang maipapahiwatig ang init ng kanilang pagmamahal sa pamamagitan ng halik na yun.
"Masakit pa ba 'tong mga galos mo?" si Laila habang isa isang banayad na hinahaplos ang mga galos ni Isagani sa braso at mukha nito
"Pagaling na lahat ng yan. Saka mas bibilis gumaling yan dahil nandito ka na." sagot ni Isagani sa sinabi ni Laila
"Malulam ang panahon Isagani." ng mapansin ni Laila ang mga maiitim na ulap
"Tara umakyat tayo ng bundok at baka abutan tayo ng ulan. Mukhang malakas yan." yaya ni Isagani
"Akala ko napilayan ka? Magaling na ba?" tanong ni Laila habang papanhik na sila ng bundok.
"Medyo okey na. H-hindi natuloy ang kasal nyo ni Rigor?" alanganin ang tanong ni Isagani
"Palagay mo ba mapupunta ko dito kung natuloy ang kasal namin?" sagot naman ni Laila
" A-anong nangyari? Nasan na si Rigor ngayon?" si Isagani
"Matapos ko malaman ang lahat, nawala lahat ng pagmamahal ko sa kanya. Napakababa ng tingin ko sa kanya." halatang may galit pa din sa tono ng pagsasalita ni Laila
"Nasan na siya? binalik na tanong ni Isagani
"Sabi ni ate nakita daw niya sa f*******: na nasa airport. Baka susundan ang matrona niya. Hindi ko na inalam Isagani." sagot ni Laila
"Hawak ka nga sa kamay ko." sabay abot ni Isagani ng kamay niya kay Laila.
Humawak naman agad si Laila sa inabot na kamay ni Isagani.
"Baka umalis ka pa eh kaya hahawakan na kita ng mahigpit." si Isagani
"Mmmm... nagpapacute ka pa ha." sagot naman ni Laila
Nang biglang kumulog.
"Laila, bilisan na natin mukhang malakas na ulan to." si Isagani
"Sige." sagot ni Laila
Sa simula ay mabibilis na lakad lamang ang kanilang ginagawa habang magkahawak ang kamay subalit ng nakaramdam sila ng bahagyang pagpatak ng ulan ay mas binilisan pa nila.
"Siguro kailangan na tayong tumakbo?" sabi ni Isagani
"Sige." sagot no Laila
"Akina yang bag mo." si Isagani
Hinubad naman ni Laila ang nakasukbit na backbag sa kanyang mga balikat. Matapos isuot ni Isagani yun ay nagsimula ng umulan.
Binilisan nila ang pagtakbo. Unti unting nababasa ang kanilang mga suot na damit pero malapit na sila sa kanilang destinasyon.
Nababasa man sila, ay hindi nawawala sa kanilang mga mukha ang saya at ngiti hanggang sa narating nila ang dating tinirahan ni Laila.
"Wala pa ding tao dito Isagani?" tanong ni Laila na hinihingal pa
"Mahirap na. Paminsan minsan ay nagpupulong kami dito, pero wala pang plano na manirahang muli hanggat hindi pa kami sigurado." sagot ni Isagani habang hinuhubad ang dala niyang bag.
"Nandito pa ba ang tuwalya ko?" si Laila
"Walang nabago sa gamit mo Laila. Andyan pa yan. Teka mag iinit ako ng tubig para makapag kape tayo. Gniginaw ako." sabi ni Isagani na sinabayan na din niya ng pagsisindi ng gasera
"Sige ako din please." si Laila
"Isagani."
"Oh?" sagot ni Isagani habang sinisindihan ang de gaas na kalan.
"Ano nang plano mo?" tanong ni Laila
"Plano? Plano saan?" si Isagani habang hinuhubad naman ang suot niyang t shirt na basa.
"Sa kilusan. Sa pamumuno mo?" sagot ni Laila habang pinupunasan ng tuwalya ang kanyang buhok na basang basa
"Wala. Hindi pa namin alam Laila kung paano kaming magsisimula. Nabasa mo ba sa diyaryo? Nabuwag na daw ang aming samahan dahil sa pagkakamatay ni Kumander." sagot ni Isagani
Pakiramdam ni Laila ay nabuhayan siya ng loob at maaari na niyang kumbinsihin si Isagani na itiwalag na ang samahan nila at sumuko na lang siya. Kailangan niyang makakuha ng magandang pagkakataon para masabi yun kay Isagani.
"Natahimik ka na diyan." napansin ni Isagani na walang reaksyon si Laila sa sinabi niya.
"Bumili nga pala ko ng makakain natin ngayon hanggang bukas. Nung natanggap ko text ng ate mo, inalala ko talaga kaagad yung pagkain." patuloy ni Isagani na nagtitimpla na ng kape habang hinihintay kumulo ang tubig
"Saka kung saan tayo tutuloy." dugtong niya sabay tingin kay Laila
"Ang buong akala ko ay bumalik na lahat ng kasama mo dito matapos ang nnagyari." si Laila
" O eto kape mo." pagkaabot ng kape ay umupo si Isagani sa tabi ni Laila na nasa haral ng mesa
"Alam mo Laila, maraming baguhan, yung mga nakikita mong nagsasanay dati, ang tumiwalag agad. Naunahan ng takot. Kaya't iilan na lang kami. Isa sa mga pinagpaplanuhan ay umanib kami sa mga kagaya namin na naninirahan din sa liblib na gaya nito. Si Kumander Balag ang may mga kontak sa mga yun." si Isagani
Lalong lumakas ang ulan at sinabayan pa yun ng kidlat at malakas na pagkulog. Kaya't alas sais pa lang ay madilim na agad ang paligid nila Isagani at Laila.
Napatakip naman ng tenga si Laila sa oras na nakikita niya ang bawat sundot ng liwanag dulot ng kidlat, dahil alam niyang isang malakas ng kulog ang kasunod nun.
"Masyado ka namang matatakutin nyan." natatawang sabi ni Isagani kay Laila
"Lika nga dito" inakbayan ni Isagani si Laila at inihilig naman ni Laila ang sarili sa hubad na katawan ni Isagani
"Natural, nasa taas tayo. Baka abutan tayo ng kidlat." sumiksik pa lalo si Laila ng makakita na naman siya ng pagkislap galing sa kidlat
Tinawanan lamang siya ni Isagani.
"Yung kape mo lalamig. Higupin mo na. Maya maya titigil din yang kidlat at kulog na yan." natatawa pa ding sabi ni Isagani
"Basang basa ang damit mo, magpalit ka muna kaya. Baka sipunin ka pa niyan." dugtong pa niya.
Unti unting nawala ang pagkulog at pagkidlat subalit patuloy pa din ang pag ulan.Nang namalayan ito ni Laila ay tumayo ito at kumuha ng damit sa bag na dala
"Wag kang lilingon ha magpapalit lang ako ng damit." si Laila
"Sino kaya mamboboso sa 'ting dalawa. Hahahaha"
"Nang aasar ka na naman Isagani ha."
"Gusto mo patayin ko pa tong gasera."
"Wag na, eto saglit lang to. Matataps na ko." Dahil sa takot sa dilim ay minadali ni Laila ang pagpapalit ng pang itaas na damit.
Sinabi man ni Isagani na hindi siya titingin, sy nilingon pa din niya ang nakatalikod na si Laila habang naghuhubad ito. Parang nawala ang panlalamig ni Isagani sa nakita niya. Ang kutis at hubog ng katawan ni Laila ay nagdulot sa kanya ng kakaibang init kahit likod lang ang nakikita niya.
"O eto tapos na ko." sabay harap ni Laila pagkasabi nun.
Nabawi na agad ni Isagani ang kanyang tingin bago pa man humarap ulit sa kanya si Laila.
"Hindi ka tumingin ha." si Laila
"Nakita mong humihigop ako ng kape eh." palusot ni Isagani
Muling tumabi si Laila sa inuupuang bangko ni Isagani at isinukob niya ito sa tuwalya na nakabalabal sa kanilang balikat. Tinanganan ang kape niyang malapit ng lumamig at humigop ito.
"Na miss mo ba talaga ko?" si Laila na isinandig ang ulo sa balikat ni Isagani.
"Oo naman. Gusto mo patunayan ko sa yo?" sabi ni Isagani
"Paano?" tanong ni Laila
Hindi na sinagot ni Isagani ang huling tanong ni Laila, ibinaba niya ang kauubos na kape sa tasa. Matapos nuon ay humarap siya kay Laila.
Nang naramdaman ni Laila na haharap sa kanya si Isagani ay kusa na niyang tinanggal ang pagkakasandig ng kanyang ulo sa balikat ni Isagani at humarap siya dito.
Kinuha ni Isagani ang tasang hawak ni Laila at ibinaba yun ng hindi inaalis ang tingin niya sa mukha ni Laila.
Ginawaran agad ng banayad na halik sa labi ni Isagani si Laila, mas matagal. Mas ninanamnam ngayon ni Isagani ang tamis ng halikang yun. Hindi naman nagpadaig si Laila, sa kanyang pagkakapikit ay kusang kumilos ang kanyang mga labi upang salubungin ang mainit na halik ni Isagani. Habol ang kanilang hininga ng sila ay pansamantalang huminto.
"Yan ang sagot ko sa tanong mo." humihingal na sabi ni Isagani ng bahagyang magbitiw ang pagkakahinang ng kanilang mga labi.
Magsasalita na sana si Laila ng pinigilan ito ni Isagani. Itinakip niya ang isang hintuturo niya sa mga labi ni Laila upang hindi ito makapagsalita.
"Letter em (M) pa lang yun sa miss." sabi ni Isagani
Na excite naman si Laila sa sinabi ni Isagani. Kung letter M pa lang yun sa miss, ano pa marahil ang kasunod nuon, gaano nga ba siya ka-miss ni Isagani. sa loob loob niya.
"Eto na ang letter ay (I)" usal ni Isagani.
Pagkasabi ni Isagani nun ay hinawakan nito ang mukha ni Laila. Kinabig niya yun at muli niyang inilapat ang kanyang labi sa labi ni Laila. Nagsimula ulit sa banayad na halikan na unti unting naging mapusok.
Upang mas maging matatag sa kanyang kinauupuan, yumakap si Laila sa katawan ni Isagani. Ang katawang lagi lang niyang naiisip ay nararamdaman na niya ngayon. Sa pagitan ng kanilang mainit na halikan ay dinama ni Laila ang mga masel sa balikat ni Isagani.
Naglakbay pa ang kanyang mga kamay sa ilalim ng kilikili ni Isagani, isinukbit niya ang dalawa niyang braso dito at isanampay niya ang mga kamay sa balikat ni Isagani.
Naramdaman ni Laila na mula sa kanyang mukha, inilipat ni Isagani ang mga kamay nito sa kanyang bewang. Hinapit siya nito upang mas lalong magdikit ang kanilang katawan.
Dahil sa wala siyang pang itaas na damit, dama ni Isagani ang mga malalambot na dibdib ni Laila na nagpataas ng temperatura ng kanyang katawan. Iginiya niya itong tumayo habang patuloy pa din sila sa kanilang halikan.
Naging sunud sunuran naman si Laila sa ginagawa ni Isagani, sa kanilang pagkakatayo ay hindi na nila binigyang pansin ang pagkakabuwal ng bangko na kani kanina lang ay kanilang inuupuan.
Hindi natapos sa ganuong posisyon ang kanilang halikan. Sa kanilang pagkakatayo ay iginiya ni Isagani si Laila sa papag na higaan ilang hakbang mula sa kanilang kinatatayuan.
Hindi na namalayan ni Laila na siya ay lumakad, naramdaman na lang niya ng inuupo na siya ni Isagani sa papag. Nang sila ay nakaupo na ay huminto muli sila sa mahabang sugpungan ng kanilang mga labi. Sa paghingal ni Isagani ay muli itong umusal.
"Eto na yung letter es (S)" halos ungol na lang ang pagkakasabi ni Isagani nun.
Sa leeg agad ni Laila dumapo ang mga labi ni Isagani, napatingala at napasinghap sa hangin si Laila. Nakaramdam siya ng pwersa mula kay Isagani habang panay ang halik nito sa leeg niya, nararamdaman niyang itinutulak siya pahiga ng mga halik na yun. Nakasapo naman ang isang kamay ni Isagani sa kanyang likod upang kontrolin ang dahan dahan niyang paghiga. Siya na din mismo ang nag angat ng kanyang mga paa sa papag ng naihiga na siya ni Isagani.
Naging mapangahas ang mga kamay ni Isagani. Habang patuloy ito sa pagsimsim sa bango ni Laila ay nagsimulan namang maglumikot ang isa nitong kamay. Sa simula ay nakapatong lamang yun sa ibabaw ng isang dibdib ni Laila, nang lumaon ay humihimas na ito.
Para nitong hinuhulma ang dibdib ni Laila at upang magpantay ay inililipat niya ang kamay sa kabilang dibdib nito. At upang makasiguro na pantay nga ang ginawa niyang paghuhulma, ipinasok ni Isagani ang kamay nito sa laylayan ng t shirt ni Laila.
Naramdaman ni Isagani na may sagabal sa pagbisita niya sa ginagawa niyang paghulma, mula sa pagkakadapa niya sa ibabaw ni Laila ay itinukod niya ang kanyang mga siko at pilit inabot sa likod ni Laila ang kawit na nagsisilbing kandado ng mga tumatabing sa minomolde ni Isagani.
Nalibang si Laila sa ginagawa ni Isagani sa kanya. Ang paghagod ng labi at dila nito sa kanyang leeg na paminsan minsan ay dumadako sa likod ng kanyang tenga. Naging pahingahan nito ay ang kanyang labi subalit patuloy pa din ito sa pagkilos. Dahil sa mga kiliting dulot ng ginagawa ni Isagani ay hindi niya namalayan na wala na pala siyang damit pang itaas maging ang tumatabing sa kanyang mga dibdib ay nahubad na ni Isagani.
Mula sa liwanag na nagmumula sa gasera, kitang kita ni Isagani ang mga mala rosas na talulot sa ibabaw ng bunduk bundukan na kanina lang ay hinuhulma niya.
Sabay ang dalawa niyang kamay na humawak sa magkabilang bunduk bundukan, sabay din ang ginawa nitong pagkilos, ang pagpiga, ang banayad na paglapirot. Naniniguro na parehong pareho ito. Subalit hindi yata kuntento si Isagani na kamay ang gamitin niyang panukat. Nais niyang tikman ang minasa niya. Inaakit siya ng cherry sa ibabaw ng cake na hinulma niya.
Hindi na siya ng aksaya ng panahon kaya't kaagad niyang sinubo ang isang cherry. Ninamnam niyang mabuti ang tamis nito at upang hindi magtampo ang kabila ay nilaro niya muna ito ng kanyang mga kamay. Nilibang niya ito upang hindi mainip sa gagawin din niyang pagkain dito. Kahit anong gawin ni Isagani ay hindi niya kayang ubusin ang pagkain sa harap niya kaya't dumako siya sa kabilang bundok na naghihintay. Pakiramdam niya ay mas lalong pumintog ang mga cherry ng nadiligan niya ng kanyang laway.
Hindi naman magkandatuto si Laila kung saan ibibiling ang kanyang ulo. Pakiramdam niya ay may espiritung sumanib sa kanya na dinadala siya sa lugar ng walang hanggang ligaya. Hindi na din niya alintana ang lamig na dulot ng patuloy na buhos ng ulan sa labas. Abala ang kanyang isip sa pagpapatangay sa espiritung lumukob sa kanya.
Pinagsawa ni Isagani ang sarili sa pagkain na hindi niya kayang ubusin. Subalit tinatawag siya ng kanyang kabahagi na nais na ding kumawala at makatikim dahil sa matagal nitong pagkakakulong.
Muling huminto sa ginagawa si Isagani, nais pa din niyang hingan ng permiso kay Laila ang susunod niyang nais gawin.
"Handa ka na ba sa huling letter es "S". Para mapakita ko ng buo kung gaano kita ka-miss." bulong ni Isagani
Parang biglang nanumbalik ang kaisipan ni Laila. Naiintindihan niya ang ibig sabihin ni Isagani. Kahit mahal niya si Isagani at nakakaramdam siya ng ibang ligaya sa ginagawa nito ay nanumbalik sa isipan niya ang pangako sa sariling ibibigay lamang niya ang pagkakababae sa lalaking pakakasalan niya.
"I-isagani... wala pa kong karanasan." nahihiyang sabi ni Laila
Mas lalong nagbigay ng pananabik kay Isagani ang kanyang narinig mula kay Laila.
"W-wala pang nangyayari sa inyo ni Rigor? Hindi nyo pa ginagawa to?" patuloy ni Isagani na kasalukuyang nakatingala sa mukha ni Laila habang nakadapa pa din ito sa ibabaw ni Laila.
"W-wala pa." sagot ni Laila
Pagkasabi nun ay balikwas si Isagani at mula sa pagkakadapa niya ay humiga siya sa tabi ni Laila at yumakap ito sabay patong ng kamay sa dibdib ni Laila.
"B-bakit?" nagsimula ulit maglaro ang kamay ni Isagani sa dibdib ni Laila
"Pinangako ko sa sarili ko yun. Kaya si Rigor lang ang tumagal sa mga naging boyfriend ko. Naghintay siya. Sabi ko kailangang may basbas na ng simbahan kapag may nangyari sa amin." sagot ni Laila habang nakaharap kay Isagani.
Biglang umupo si Isagani ng marinig ang sinabi ni Laila. Saglit itong nag isip at hinawakan ang kamay ni Laila.
"Tara tumayo ka." yaya ni Isagani kay Laila
"Ha? Bakit?" nagtatakang tanong ni Laila
Naunang tumayo si Isagani at sumunod naman si Laila. Pilit naman niyang tinatabingan ng isang braso niya ang mga dibdib niyang nakalantad.
Matapos makatayo ay binuksan ni Isagani ang pintuan ng bahay at tumanaw sa labas.
"Lakas pa ng ulan." si Laila
"Oo nga. Di ba sabi mo gusto mo may basbas ng simbahan. Eto hindi lang simbahan Laila. Langit ang magbabasbas sa 'tin"
Pagkasabi ni Isagani nun ay hinila niya si Laila palabas ng bahay at patakbong pinuntahan ang lugar kung saan direktang bumubuhos ang ulan na hindi natatabingan ng mga dahon.
"Isaganiii.... ang ginawa. Hooooo." sigaw ni Laila habang yakap ang sarili
Kinailangan pa ni Laila sumigaw upang marinig ni Isagani ang sasabihin niya dahil sa lakas ng buhos ng ulan.
"Hahahaha. Yumakap ka sa 'kin bilisan mo habang binabasbasan tayo." malakas na sabi ni Isagani upang marinig din ni Laila.
"Luko luko ka talaga Isagani. hahaha." sabay yakap ni Laila
"And I pronounce you husband and wife. O ayan Laila, kasal na tayo. Hahahaha." sabi ni Isagani habang yakap ng mahigpit si Laila.
Itinuloy nila ang halikan sa gitna ng ulan. Inakay ni Isagani si Laila sa lugar kung saan nakapwesto ang mga mesa nilang ginagamit sa kainan. Iniangat niya si Laila sa mesa upang iupo ito duon.
"Eto na tayo sa reception." sabi ni Isagani
Sumampa na din sa mesa si Isagani at inihiga niya agad si Laila. Muling pinag init ni Isagani ang katawan ni Laila na nanlalamig. At hinubad na nito ang pantalon at huling saplot ni Laila. Pagkatapos ay pinalaya na din niya ang kabahagi niyang mas naging matikas ang pagkakatayo dahil sa pinaghalong init at lamig na nararamdaman nito.
"Isagani, dahan dahan ha. Pwede namang umulit." paalala ni Laila bago simulan ni Isagani ang pangunahing pagkain.
Piping saksi ang mga puno at ang kabundukan sa pag iisang katawan ni Isagani at Laila. Sinabayan ng dalawa ang ulan, hanggat hindi ito humuhupa ay patuloy din ang kanilang pagbuhos ng init. Lumipat din sila sa punong malapad ang katawan, isinandal ni Isagani ang likod ni Laila sa puno at muling nakipagsabayan sa tagaktak ng ulan. Sa bandang huli ay pumasok na sila ng bahay upang sa ikatlong pagkakataon ay ipadama nila sa isa't isa ang kanilang pananabik sa kanilang muling pagkikita.