CHAPTER 18

2472 Words
Maghahatinggabi na ng makabalik ng Kamaynilaan ang naghatid kay Laila. Dinatnan ni Leslie ang kapatid sa presintong pinakalamapit sa kanila sa tawag na rin ng kapitan ng barangay nila. Hinihingian ito ng salaysay sa pangyayari subalit nananatili lang si Laila na nakatulala at umiiyak. Kinuwestiyon ang report na pinoproteksiyonan ni Laila ang isang nagpakamatay na rebelde. Pero dahil sa paliwanag ni Leslie na si Laila ang biktima, kinumpirma naman iyon ng ilang presintong pinagreportan dati ni Leslie at maaari daw ginawang hostage si Laila upang makatakas ito. Niyakap agad ni Leslie ang kapatid pagkakita dito. "Diyos ko bunso... sinabi ko na kasing wag ka ng umalis eh." umiiyak na sabi ni Leslie "wala na si Isagani ate... wala na siya." Hindi man lubusang alam ni Leslie ang katauhan ng Isagani na sinasabi ni Laila ay inalo na lamang niya ang kapatid. "Tara na bunso... umuwe na tayo... magpahinga ka na. Salamat sa Diyos at walang nangyaring masama sayo." yaya nito sa kapatid "Sir tutuloy na po kami. Isama ko na po kapatid ko." paalam ni Leslie sa pulis na nakaupo sa front desk. "Sige po mam, sa uulitin po mag iingat po kayo ha lalo na po pag gabi wag po kayong tatayo o mag stay sa hindi mataong lugar." paalala ng pulis. Lumabas na sila ng presinto at diretso sila sa naghihintay na inupahang tricycle ni Leslie. Dahil nabalitaan na niya sa kausap ang nangyari, sumugod din si Rigor sa presinto at inabutan niyang pasakay na sila Laila ng tricycle. "Love, sandali." tawag ni Rigor. Palapit na siya at akmang yayakapin si Laila. Parang biglang natauhan si Laila ng marinig at makitang papalapit si Rigor. Nang malapit na at yayakapin na ni Rigor si Laila ay isang malakas na sampal ang pinawalan ni Laila sa kaliwang pisngi ni Rigor. "Napakawalanghiya mo. Wag ka na magmaang maangan. Wag mo na isipin pang gumawa ng palusot. Wag na wag ka ng gumawa ng kasinungalingan dahil alam ko na lahat... lahat lahat." madidiing salita ni Laila "Im sorry love... nagawa ko lang yun dahil sa pagmamahal ko sayo... para bigyan ka ng magandang buhay... patawarin mo ko love." sumamo ni Rigor "Unang una wag mo kong tawaging love dahil hindi mo ko mahal, mas mahal mo ang sarili mo... ang pera mo... makasarili ka Rigor. Inisip mo lang ang sarili mong kapakanan. Ni hindi mo inisip kung mapapatay o maaano ko sa bundok na yun... pera pa din pinagana mo. At kung sakaling ilang matanda pa ang mag alok sayo nyan, tatanggapin mo pa din Rigor.. nakakadiri ka... kaya wag mo ko mahawak hawakan." panunumbat ni Laila. Ginagap ni Rigor ang dalawang kamay nI Laila at muling nagsumamo. "Love... patawarin mo na ko.. hindi ko na uulitin. Magsimula tayo love. Kalimutan na natin lahat ng nangyari love." patuloy na pakiusap ni Rigor "Sinabi ng wag mo kong hawakan." sigaw ni Laila "Kalimutan? Ganun lang kadali talaga sayong sabihin yung kalimutan? Dahil hindi ka naapektuhan ng mga kagaguhan mo... at wag ka lang sa akin humingi ng tawad... napakawalang kwenta mong tao.... napapakawalang kwenta mong kaibigan. Dun ka humingi ng tawad... dun kay Isagani....dun sa kaibigan mo na kahit sa huling sandali ay pilit iniintindi yang mga kawalang hiyaan mo. Pinatay mo kaibigan mo Rigor.... pinatay mo." gigil na sigaw ni Laila kay Rigor "Laila tama na yan... iwan na natin yan dito."si Leslie "Ate hindi pa ko tapos sa gagong to." "Hindi namang masamang mangarap Rigor eh. Pero ikaw naging sakim ka. Naging makasarili ka dahil sa mga pangarap mo. Nakalimutan mong maging tao... nakalimutan mo ang damdamin ng mga taong nakapaligid sayo." Napaluhod si Rigor. Humawak ito sa mga hita ni Laila at nag iiyak. "Patawarin mo ko loooove... patawarin mo ko Isagani... patawarin nyo ko." "Alam mo Rigor... pwede kitang ipakulong eh... pwede kitang idemanda at bulukin sa kulungan... pero hindi ko na gagawin yun... hindi mo naman ako kasing walanghiya. "Bukas, pakasalan mo ang pera mo. Dun ka magiging masaya..tuparin mo lahat ng gusto mo... hanggat hindi ka nagiging masaya... wag kang titigil... at kapag nagsawa ka na... saka ka humanap ng babaeng mamahalin mo... yung siya lang ang pinakamahalaga sayo... yung iingatan mo higit pa man sa kahit anung bagay... tumayo ka na dyan bago pa ko bumalik sa presinto at ireport ang ginawa mo sakin. Tara na ate." "Love....patawarin mo ko... nagsisisii na ko love." pahabol ni Rigor habang naglalakad si Laila. Hinintuan ni Leslie si Rigor nang matapat siya dito at binigyan ito ng isang malakas ding sampal. "Kulang pa yan Rigor. Kulang na kulang.." iniwang salita ni Leslie kay Rigor Naiwan si Rigor na umiiyak. Ngayon lang niya nalaman ang kanyang mga pagkakamali. Pakiramdam niya ay mababaliw siya ng mga oras na yun. Sumakay siya ng sasakyan at ipinagpatuloy niya ang pagtangis doon. Sarili lang niya ang sinisisi niya sa lahat. Parang gumuho ang mundo niya sa isang iglap. Tanging pagtangis ang nagawa niya at pagsisisi. Lalo pa at naisip niya ang kinasapitan ng kanyang kaibigan. Paano pa siya hihingi ng tawad dito? Hindi man lang niya nasuklian kahit paaano ang mga kabutihan at tulong na nagawa nito sa kanya. Naisip niyang tama marahil si Laila na naging makasarili siya pero paano pa niya bubuuin ngayon ang kanyang pangarap... na hindi lang pala ang pera ang makapagpupuno ng lahat para lubusan siyang maging masaya... kundi pagmamahal. Pagmamahal ng isang babae na makakasama niya panghabambuhay at ng kaibigan na dadamayan siya kahit na ito'y malayo na sa kanya. Pagkauwi ng bahay ay kinuwento lahat ni Laila sa kanyang ate ang tungkol kay Isagani. "Hayaan mo Bunso... maganda na din yung nangyari at hindi na matutuloy ang kasal nyo... kaysa maging malala pa ang sitwasyon kung magtatagal pa kayo. Balang araw sana malaman ni Rigor mga pagkakamali niya. Wag mo ng iyakan si Isagani... baka hanggang dun na lang talaga siya." pang aamo ni Leslie sa nakababatang kapatid. "Ate, bakit napakasakit ng nararamdaman ko ngayon? Iniisip ko sana... sana pala nagpabaril na lang si Isagani... baka hindi naman niya ikamatay agad yun... sana madadalaw ko pa siya sa ospital... o kaya.... pagkatapos nun ikukulong nila... hindi ako magsasawang dalawin siya sa kulungan.... dahil alam kong mabuti ang puso ni Isagani ate." hindi pa din maawat sa pagtulo ang luha ni Laila. Kinuha niya ang litrato sa bag niya na medyo nalukot dahil sa pagkakadaklot ni Isagani. Itinupi niya yun upang hindi makita ang mukha ni Rigor. "Ate tingnan mo siya oh, ang saya saya niya. Ganyan talaga siya, masayahing tao yan... pag nakita niyang parang malungkot ka... patatawanin ka nyan.... ate.... kawawa naman si Isagani. Paano na yung katawan ni Isagani dun ate.... ate pwede ko bang ipahanap yung katawan nya ate..ha ate." hagulgol pa din si Laila. Yinakap ni Leslie ang kapatid. Wala siyang maisagot sa sinabi nito.Awang awa siya at nararamdaman niya ang sakit na nararamdaman nito. "Malay natin bunso, lahat ng bagay kaya nangyayari dahil may dahilan. Kaya ipagpasa Diyos mo ang lahat bunso. Naiintindihan na kita pero siempre, nalulungkot din si ate kapag ganyan ka. Alam mo namang mahal na mahal na mahal kita. Aalagaan pa din kita bunso hanggat hindi dumarating yung tamang magmamahal sayo at hinding hindi na ko papayag na mawala ka ulit, baka hindi ko na kayanin." lumuluha si Leslie habang hinahaplos haplos nito ang buhok ng kapatid "Gusto mo ba magbakasyon muna sa mga kamag anak natin sa probinsiya para malibang ka at makalimutan mo tong mga nangyari na to? Maganda mga tanawin dun saka matutuwa tiyak mga tiyahin natin dun saka mga pinsan natin dahil matagal tagal na din nung huli tayong nauwe dun." tanong ni Leslie "Hindi na ate... mas lalo lang ako malulungkot pag wala akong ginagawa... babalik na siguro ko agad sa pagtuturo." matipid na sagot ni Laila "Ikaw bahala... kung ano alam mo at pakiramdam mong makakabuti sayo... nandito lang naman ako lagi sa tabi mo." sagot ni Leslie. "Magpahinga ka na, bukas magsimba tayo. Magpasalamat... marami tayong dapat ipagpasalamat. Ipagdasal na din natin tuloy si Isagani... tapos daan tayo sa palengke bili tayo ng paborito mong ulam... ipagluluto kita ng paborito mong sinampalukang manok yung may mga usbong ng sampalok... saka medyo maanghang ng konti di ba. Saka ng lumpiang ubod... naaalala ko tuloy sila nanay at tatay.... tiyak na malulungkot mga yun kapag ganyan ka... kaya ipakita mong matatag ka ha bunso...nakikita pa din nila tayo." napansin na lang ni Leslie na nakatulog na si Laila sa kanyang kandungan dahil na rin sa pagod sa buong araw. Naging palaisipan sa mga hindi nakakaalam ang hindi pagkakatuloy ng kasal nila Laila at Rigor. Nagpalipas lang ng ilang araw si Laila at pumasok na muli siya upang magturo. Dahil mga kapwa teacher, hindi na nag usisa ang mga ito ito kung anuman ang nangyari sa hindi pagkakatuloy ng kasal nito. Pipilitin ni Laila ibalik ang dating normal niyang buhay.... nung hindi pa niya nakikilala si Rigor. Subalit hindi niya nakakaligtaang tingnan ang mga larawan ni Isagani sa tuwing siya ay nakahiga na. Pinunit na niya ang bahagi na kasama nito sa litrato si Rigor. Paulit ulit din niyang binabasa ang mga liham ng mga bata, bawat liham ay inaaalala niya ang mukha ng nagsulat nito kaya hindi nawawala sa kanyang isipan ang mga mukha ng bata. Isang linggo ang lumipas ay unti unti ng bumabalik ang dating sigla ni Laila .Sa tulong ni Ate Leslie niya na niyayaya siya madalas magpunta ng mall kahit galing pa,siya sa eskwelahan at lagi siyang kinukwentuhan sa gabi hanggang sa siya ay antukin. Hindi binibigyan ni Leslie ng pagkakataon ang kapatid na mapag isa at mag isip ito ng mga malulungkot na pangyayari sa buhay niya. Nauunawaan naman ng asawa ni Leslie ang ginagawang pag aasikaso nito sa kanyang hipag. "Bunso, weekend na naman. Ano ba gusto mong ulam? Ah alam ko na pagkasimba sumama ka na ulit sa palengke. Saka para matuto ka na ding makipagtawaran sa palengke, pambabarat for short." sabay tawanan nilang magkapatid. "Ate sana dalawin naman ako ni Isagani sa panaginip man lang noh." sabi ni Laila sa ate niya habang sila ay nagkekwentuhan bago matulog. "Di ba sabi nila kapag daw lagi mong iniisip ang tao eh mapapanaginipan mo daw.?" dugtong pa ni Laila "De baliktarin mo, wag mo siya isipin baka sakaling mapanaginipan mo." pagbibiro ni Leslie sa kapatid "Ate naman eh." sagot ni Laila "Minahal mo talaga siya noh bunso?" tanong ni Leslie sa kapatid "Oo ate... saka ate, minsan hindi na pala kailangang sabihin kung ano ang dahilan mo kung bakit nagustuhan mo o minahal mo ang isang tao. Mararamdaman mo na lang bigla na mahal mo siya... dahil hinahanap hanap mo siya.. hindi siya nawawala sa isip mo... saka masaya ka kapag kasama mo sya." kwento ni Laila "Sabagay tama ka dyan bunso. Si Kuya Mark mo, tambay lang dati yan. Naku ayaw na ayaw nila nanay at tatay dyan. Paano daw ba ko bubuhayin nung taong yan? Pero siempre, hindi naman sila ang nakakausap ni Mark... hindi naman nila nararamdaman ang nararamdaman ko sa kuya mark mo... kaya ayun, nung nagkapangasawahan kami nagpakitang gilas. Tingnan mo ngayon... regular sa trabaho... mataas ang posisyon... ang ibig kong sabihin eh hindi ko agad hinusgahan si Mark kung sa ano lang ang nakikita ko sa kanya... kundi yung nararamdaman ko sa kanya nuon na itong tao na to, gagawin ang lahat nito para sa kin. Saka mahal ko siya, alam kong magiging masaya ako sa kanya. Ganun nga nangyari. Naku nung wala pa kaming anak, buhay prinsesa ko nakita mo naman yun di ba... siempre prinsesa ko, prinsesa ka din kaya damay ka din. haha." kwento ni Leslie. "Hindi ka pa din ba nakaka move on bunso? Mahal mo pa din ba siya hanggang ngayon? Baka multuhin ka nun hala ka." biro ulit ni Leslie "Okey lang ate. Hindi siguro ko matatakot kapag si Isagani ang nagmulto sa kin... hay... hirap ate... hindi pa din talaga ko maka move on.. "Ay teka... nabalitaan mo ba?" tanong ni Leslie "Ano naman yun ate. Hindi naman ako tsismosa." sagot ni Laila "Ay wala ka pa nga palang phone. Nakita ko sa f*******: na umalis na naman ng bansa si Rigor. Ginagawa lang kapitbahay ang abroad." "Hayaan na natin siya ate, baka may ka date ulit. Magpayaman pa siya ng magpayaman hanggang matabunan siya ng pera" "O sige na matulog na nga tayo." yaya ni Leslie "Itabi mo na yang picture ni Isagani baka magising ka hatinggabi eh katabi mo yan.lagoooot.." parang batang nananakot ito. "Sana nga ate. haha. goodnight." Kinabukasan ay ginising si Laila ng sunod sunod na katok ng ate Leslie niya. "Laila.... Laila... bunso... bunso... gising ka bilisan mo." nagmamadaling tawag ni Leslie kasabay ng pagkatok sa kwarto ni Laila "Ate, walang pasok ngayon." sagot ni Laila habang naghihikab pa Pupungas pungas si Laila na tumayo at binuksan ang pinto. "Ano ba yun ate? Aga mo naman, nagbabakasali pa kong managinip eh." sabay inat ni Laila "Hindi mo na kailangang managinip bunso. Eto basahin mo" banaag sa mukha ni Leslie ang sobrang pananabik nito na maipabasa kay Laila ang message na natanggap sa cellphone. Kinuha ni Laila ang cellphone at binasa yun. "Ate, si Isagani po ito. Unang una maraming salamat po talaga sa ginawa mo para sa amin. Malaking utang na loob po naming tatanawin sa inyo yun. Kapag may problema tawagan o itext nyo lang po ako. Pakisabi din po kay Laila na nakaligtas po ako.Nagpagaling lang ako dahil sa mga galos ko at konting bale sa braso ko. Sana ay magkita pa kami." Nawala bigla ang antok ni Laila. Hindi agad ito nakapagsalita sa halip ay niyakap nito ang Ate Leslie niya at kapagdaka'y binuhat pa niya ito. "Hahaha... ibaba mo na ko bunso... huuuuy... baka bumuwal tayo." "Ate.... ate." Bigla ulit pumasok ng kwarto si Laila. Kinuha ang malaking bag. Napansin yun ni Leslie. "Uy... uy... bunso ano ginagawa mo?Laila... ano pinaplano mo?" usisa ni Leslie habang pinagmamasdan ang kapatid na silid ng silid ng mga damit niya sa loob ng malaking bag nito. "Ate, ito na yun... babalik talaga ko ng bundok." sagot ni Laila "Wag ka padalos dalos sa desisyon mo bunso... baka mapahamak ka dyan sa gagawin mo ha." nabago ang ekapresyon ng mukha ni Leslie napalitan iyon ng pag aalala sa kapatid Patuloy sa paglalagay ng damit ni Laila. Naghubad kaagad ng pantulog ito at nagpalit ng damit kahit hindi pa ito naliligo. "Bunso, baka nakakalimutan mong rebelde pa din si Isagani at laging nasa peligro buhay nun." "Pipilitin ko siyang sumuko ate." sagot ni Laila "Kung hindi siya pumayag?" tanong ni Leslie "Ayoko munang isipan yan ate... ang iniisip ko ngayon ay ang puso kong nagrerebelde... kailangan ko itong palayain ate. Kailangan kong ibigay ang gusto nito. Wag kang mag alala sa akin. Magtetext ako... makikitext ako." matapos nun ay isinukbit na ni Laila ang bag sa kanyang balikat at umakma ng bababa. "Pag gising ng mga bata i kiss mo na lang ako sa kanila ate. Love you ate." sabay nun ay niyakap niya ang ate at bumaba na siya ng hagdan. Sumunod naman si Leslie na medyo nabibigla pa sa mabilis na desisyon ng kapatid. Sa pintuan ay muling nagyakapan ang magkapatid at pumara na ng sasakyan si Laila. "Ate, pakisabi kay Isagani hintayin ako sa paanan ng bundok. Love you ate." at sumakay na ng sasakyan si Laila.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD