CHAPTER 17

3227 Words
Narating ng mga sundalo ang pinagkukutaan ng mga taong labas habang nasa kalagitnaan pa lang sa kanyang paglalakad si Laila. Patuloy siya sa pagtakbo upang mas lalo siyang mapabilis. Pinakapahinga nya ay ang paglalakad. Hindi niya na pinapansin ang mga pawis na nagbabagsakan sa kanyang noo na humihilam sa kanyang mga mata kapag napapadako duon ang pawis niya. Nasa kalagitnaan siya ng paglalakad ng makarinig siya ng mga sunod sunod na putok ng baril na alam niyag malapit lang sa kanya dahil malapit na din siya sa kuta ng mga rebelde. Napahinto bigla si Laila. Huli na yata ang pagdating niya. Nakiramdam siya muli. Naghihintay ng kasunod pang pagputok pero hindi na ito nasundan. Dahil sa kanyang pagkakahinto sandali, pakiramdam niya ay nakaipon na siya agad ng lakas. Sinimulan niya muling maglakad, sa pagkakataong yun ay mas binilisan niya kahit na mas mabigat ang mga hakbang dahil sa pataas na ng bundok ang kanyang binabagtas. Huling putukan na ba ang narinig niya at huli na ang kanyang pagdating? Natanawan na niya ang mataas na puno kung saan naroroon ang nagbibigay ng babala. Inaaninag niya ito pero walang tao duon. Mas binilisan pa niya ang paglalakad upang mapalapit sa malaking puno pero nakakasiguro na siya na talagang wala na ang nagbabantay duon. Mas nadagdagan ang kabog ng dibdib ni Laila. Naiiyak na siya sa mga inaasahang pangitain na kanyang dadatnan sa kuta. Pero hindi pa din siya tumitigil sa kanyang mabilis na paglalakad at sa pag asang may mga nakaligtas. Hanggang sa narating niya ang pinakabungad ng kuta. Hindi siya natatakot na makita siya ng mga sundalo at magpapakilala agad siya na isa siyang sibilyan. Kung tanungin man siya ng mga ito kung ano ang ginagawa nya doon ay hindi na niya pinag isipan. Ang iniisip lang niya ay ang makapagligtas ng buhay ng mga taong napalapit sa puso niya. Nang andun na siya mismo sa pinaka kuta ay binagalan niya ang paglalakad at nakiramdam. Tumingin tingin siya sa paligid. Wala siyang makitang palatandaan na nagkaroon ng gulo sa lugar. Pinasok na niyang tuluyan ang kuta. Walang mga sundalo siyang nakita. Iniisip niyang nahuli na nga ang pagdating niya. Hinuli kaya ang mga ito sa loob loob niya. Lumibot pa siya sa paligid, ayaw man niyang mangyari ay nagbabakasakaling makakita siya ng namatay dahil sa panlalaban sa mga sundalo.Nalibot nya ang kuta pero wala siyang nakitang kahit anong bakas ng karahasang nangyari. Pinuntahan niya ang kabilang parte ng kuta kung saan nagsasanay ang mga baguhang miyembro, pero wala din siyang nakita. Nahuli kaya silang lahat? Pero naging positibo ang utak ni Laila na sana ay nakatakas nga sila. Hinihingal man siya ay patuloy pa din siya sa paglilibot sa buong kuta. Naisipan niyang silipin ang mga bahayan baka may mga nagtatago pa duon. Inisa isa niya ito. Lahat ay mga nakabukas ang pinto kaya madali niya itong napapasok pero wala pa din siyang nakita. Natanawan niya ang dati niyang bahay. Pinuntahan niya yun. Madali din niyang napasok dahil nakabukas yun. Natanawan niyang wala pa ding pagbabago ang kanyang iniwang bahay. Andun pa din ang kape at asukal saka termos sa mesa. Ang mga nalanta ng bulaklak na binigay sa kanya ng mga bata nung birthday niya ay andun pa din sa isang baso na ginawa niyang flower vase. Hindi pa din napapalitan ang punda ng unan niya at yung kumot pa din niya ang andun. Napansin lang niya ang mga damit na nakabitin, na natantiya niyang hindi kanya. Kinuha niya yun mula sa pagkakasabit at nakilala niyang kay Isagani na damit yun. Napaupo muna siya sa papag habang pinagmamasdan nito ang puting t shirt na kinuha mula sa sabitan. Inamoy amoy niya yun, alam niyang naisuot na ito pero hindi ito mabaho. Naaamoy pa din niya ang amoy ng isang lalaki na kahit walang pabango at masarap sa kanyang pang amoy, lalaking lalaki. Hindi niya napigilan at yinakap niya ang damit na hawak niya. Napapikit siya at inimagine niyang yakap niya ngayon si Isagani at biglang tumulo ang mga luha niya. Impit ang kanyang pag iyak. Iniisip niya kung ano ang nangyari sa lalaking natutunan niyang ibigin sa maikling panahon... na pinigil din ang damdamin nito dahil alam niyang kaibigan niya ang nag mamay ari sa babaeng iniibig niya. Hindi pala lahat ng nagmamahalan ay masaya naiisip ni Laila... mahal niya si Isagani pero may naiwan siyang naghihintay sa kanya para pakasalan siya. Minahal siya ni Isagani pero hindi nito ipinilit ang kaniyang damdamin dahil tinatanaw niya ang pakikipagkaibigan niya kay Rigor na kaibigan niya. Pagkababa ng damit ay lumabas muli ng bahay si Laila. Naglakad lakad muli at nagpalinga linga. "Isaganiiiiii.." sigaw ni Laila. "Ka lotaaaaa..." muli niyang sigaw. "Ka benjooooo..." "Ka esteeeer..." "Isaganiiiii." Panay ang sigaw ni Laila habang siya ay naglalakad lakad at palinga linga sa daan. Umaasa na may mga nagtatagong naiwan pa duon. "Isaganiiiii....." Napadako si Laila sa may malapad na puno na kanyang dating lugar na pinagtuturuan sa mga bata. "Good morning mam." parang nakikita niyang bati sa kanya ng mga bata. Masasaya ang mga ito ng makita siya. Nginitian din niya ang mga ito at kinawayan habang siya ay naluluha. Pagpahid ng luha niya ay naglaho na din sa kanyang imahinasyon ang mga batang kumakaway sa kanya. "Isaganiiiii...". Napaupo si Laila sa puno at napasandal ito.. naramdaman niya bigla lahat ng kanyang pagod. Nawalan siya ng pag asa na may makikita pa siya doon.. "Laila." Hindi alam ni Laila kung narinig niya talaga yun o imahinasyon lamang pero narinig niyang may tumawag sa pangalan niya. Kahit na ito ay mahina, ay malinaw na narinig niya. "Laila" Sa muling pagtawag sa kanyang pangalan ay tinanggal niya ang likod sa pagkakasandal sa puno at nagpalinga linga siya upang hanapin kung saan nanggagaling ang boses na tumatawag sa kanya. "Laila andito ko." Nakilala ni Laila ang boses na yun at hindi siya maaaring magkamali. "Isagani.. Isagani nasan ka?" sigaw ni Laila "Wag kang maingay Laila." at lumabas si Isagani mula sa isang bunton ng malalagong mga halaman na kahit si Laila ay hindi inakala na may tao sa mga halamang yun. "Yumuko ka Laila at tumakbo ka dun sa may masukal na lugar. Susundan kita dun." dugtong ni Isagani. Sinunod ni Laila ang sinabi ni Isagani. Nauna siyang dumating sa sinasabing lugar ni Isagani at naghintay siya duon. Ilang minuto na ay hindi pa din dumadating si Isagani. Tinanaw ni Laila ang dinaanan niya pero wala siyang nakikitang Isagani na sumusunod sa kanya. Sa kanyang paglingon ay nagulat siya ng nakatayo na pala si Isagani sa kanyang likuran. At sa kaniyang pagkabigla ay napayakap siya dito sabay iyak. Yumakap din si Isagani sa kanya, mahigpit ito. Damang dama ni Laila ang pananabik ni Isagani sa kanilang pagkikita dahil sa yakap nito. Gayundin ang ginawa ni Laila. Hinigpitan din niya ang pagkakayakap niya kay Isagani upang ipadama dito kung gaano din niya kasabik na makita muli ito. "Nasan sila? Nasan ang mga tao dito, yung mga kasama mo Isagani.. yung mga bata asan?" tanong agad ni Laila pagkabitiw nila sa pagkakayakap "Yung mga bata kasama mga nanay nila at pinababa muna namin sa kabayanan. Pinatuloy muna namin sa iba naming mga kasama duon na nakahalo sa mga sibilyan. Ang iba naming mga kasama ay nakapagtago sa mas liblib pang lugar at napag usapan na namin kung saan kami magki kita kita kapag malamig na ang sitwasyon." sagot ni Isagani. "Paanong... paano nyo napaghandaang.." hindi na natuloy ang sasabihin ni Laila dahil alam na ni Isagani ang gustong itanong nito. "May tumatawag sa akin kaninang umaga... hindi ko kilala ang number.. hindi kami magkaintindihan dahil mahina nga ang signal dito kaya nagtext na lang. Nagpakilala siya na ate mo daw. Kaya nabigyan niya kami ng babala. Siya din ang nagsabing papunta ka daw dito kaya hinintay kita..Nakita daw niya yung number na binigay ko sa yo kaya tinext nya ko at nag aalala din siya. Salamat kamo ng marami sa ate mo Laila. Kaya nung dumating ang mga sundalo ay wala na silang dinatnan... mas nakakubli pa ko kanina sa lihim naming taguan kaya hindi nila ko nakita... pero andyan pa mga yan hindi pa tuluyang nakakababa ng bundok mga yun. Pero ang mahalaga ay ligtas lahat ng mga kasama ko. Maraming salamat talaga sa ate mo." mahabang paliwanag ni Isagani "Eh yung putok kanina. Ano yun?" "Nananakot lang mga yun. Iniisip nila na may nagtatago pa dito" "Teka, bakit ka nga pala nagpunta dito. Di ba malapit na kasal mo Laila?Para bigyan ba kami ng babala? Kung hindi nakapag text ang ate mo malamang may nalagas na naman sa mga kasama namin." dugtong ni Isagani "Oo nga Isagani, hindi ko talaga makita yung number mo kaya sumugod ako dito pero huli na pala kung hindi nakapagtext si ate.. pero... pero hindi lang yun ang sadya ko Isagani." sabi ni Laila "Ano pa Laila?" tanong ni Isagani. Hindi agad sinagot ni Laila ang tanong ni Isagani sa halip ay binuksan niya ang bag at dinukot ang mga litratong itinabi niya duon at iniabot niya ang mga yun kay Isagani. Unang tingin pa lang ni Isagani sa unang litrato na nakita niya ay napadilat ng bahagya ang mata nito tanda na ito ay nagulat sabay napatingin ito kay Laila. Hinayaan muna ni Laila na tingnan lahat ni isagani ang mga litrato bago siya magsalita. Sa ikalawang paglipat ni Isagani ng litratong hawak ay napansin ni Laila na sumungaw ang bahagyang ngiti sa labi ni Isagani.. nagtagal siya sa litratong iyon. Bahagyang inihaba ni Laila ang leeg para makita niya ang litratong matagal na pinagmamasdan ni Isagani. Yun ay ang litratong umaarte sila na parang bakla ni Rigor. Inilipat ni Isagani ang susunod na litrato pero nanatili ang kanyang mata sa nagdaang litrato. Nangilid ang luha ni Isagani. Naalala niya lahat ang masayang pinagsamahan ng kaibigan niyang si Rigor... na halos ituring na din niyang kapatid nung mga panahon na yun. Dahil naaawa siya sa katayuan nito sa buhay. Naiiyak din siya dahil naiisip niya ang itinext sa kanya ng ate ni Laila na siya pa ang nagpapunta ng mga sundalo duon upang lipulin sila. Wala siyang maisip na naging kasalanan niya kay Rigor dahil hanggang sa huli ay tinulungan niya ito. Sa pagtulo ng luha ni Isagani ay hindi nakawala sa paningin ni Laila ang unti unting paghigpit ng hawak ni Isagani sa mga litrato at ang unti unting pagdakot ng kamao nito... at inilipat ni Isagani sa huling litrato saka nagsalita si Laila. "Siya ba? Siya ba Isagani ang sinasabi mong kaibigan mo?" si Laila Nanatiling nakatungo si Isagani sa huling litrato at tumango tango lang ito bilang sagot sa tanong ni Laila. "Bakit Isagani? Bakit niya nagawa sa akin yun Isagani? Bakit nagawa niya kong ipadukot sayo. Parang awa mo na Isagani. Hindi na naging normal ang buhay ko simula nung bumaba ako ng kapatagan.. araw araw iba iba ang natutuklasan ko... parang ang dami kong dapat malaman.... para kong bumubuo ng puzzle pero kahit ano gawin ko hindi ko ito mabuo buo. Isagani, alam kong masasagot mo lahat ito... kung kaibigan mo talaga si Rigor bakit ilalagay ka niya sa kapahamakan? Isagani, hindi ko kayang pakasalan ang taong halos hindi ko na kilala. Magsalita ka Isagani." napahagulgol si Laila sa mga binitawang salita "Patawarin mo ko Laila.... kung naaalala mo Laila na humihingi ako sayo ng tawad bago mo kami iwan, dahil isa ito sa mga inihihingi ko ng tawad sa yo. Oo... ako nga ito... at magkaibigan kami ng mapapangasawa mo.." sabay angat ng mukha ni Isagani at tumingin kay Laila. "Tama ba iniisip ko Isagani? May kinalaman si Rigor sa pagkakadukot mo sakin?" diretsang tanong ni Laila na hindi tinatanggal ang paningin sa mata ni Isagani Hindi tinagalan ni Isagani ang mga titig na yun kaya napayuko siya. Bantulot na sagutin ang tinatanong ni Laila? "Sagutin mo ko Isagani. Pagtatakpan mo pa ba ang sinasabi mong kaibigan na ilalagay ka pala kahit sa bingit ng kamatayan malusutan lamang ang sarili niyang kasalanan?" pang uusig ni Laila Hinihimay ng utak ni Isagani ang bawat salitang pinawalan ni Laila. Tama si Laila. Hindi tunay na kaibigan ang turing sa kanya ni Rigor sa kabila ng pagtingin niya dito. Nagngangalit ang mga bagang ni Isagani. Kuyom kuyom pa din ang mga litratong hawak. Malaunan ay nagsalita ito. "Para sayo pa din lahat ng nagawa ni Rigor Laila. Gusto niyang bigyan ka ng magandang buhay at para din sa kanyang ambisyon." sagot ni Isagani. "Ha? Ano kamo? Isagani h-hindi kita maintindihan.... ipaliwanag mo nga sakin... naguhuluhan ako." kunot noong tanong ni Laila "Ginamit ni Rigor ang sarili niya para sa isang malaking pera. May matandang mayaman na nag offer sa kanya ng malaking pera upang pakisamahan niya ito sa nalalabing pamamalagi niya sa Pilipinas bago ito tuluyang manirahan sa ibang bansa, dalawampung milyon Laila... dalawampung milyon. Hindi na nagdalawang isip si Rigor sa alok na yun kaya't ang naisip niyang tanging paraan para hindi mo malaman ang lahat ay ang ipadukot ka sa akin. Bilang kapalit ay bibigyan niya ang samahan namin ng dalawang milyon kaya pumayag ako dahil alam mo Laila ang pangangailangan namin dito sa kabundukan. Sinunod ko lahat ng habilin niya, hindi ka namin pinabayaan dito.. hindi ka nasaktan.. para sayo yun Laila. Kilala ko si Rigor, gagawin niya ang lahat para sa pera... para sa ikauunlad niya... dahil na din siguro sa pinagdaanan niya, gaya ko, alam mo din naman siguro ang nakaraang buhay ni Rigor." pagkukuwento ni Isagani Namumula ang mata ni Laila. Naipon ang luhang gustong gusto ng bumagsak habang nagkekwento si Isagani. "Mas minahal niya ang sarili niya Isagani... mas minahal niya ang ambisyon niya... at parte lang ako ng mga ambisyon na yun." at napahagulgol si Laila. "Mamamatay ako pero ang pera pa din ang inisip niya... pinatulan niya ang matanda pa sa nanay niya ng dahil sa pera... na postpone ang kasal namin dati ng dahil lang din sa pera.... pagmamahal ba ang tawag dun Isagani..... ha Isagani... ganun ba ang pagmamahal?" hagulgol ni Laila Inalo ni Isagani si Laila, yinakap niya ito at sinandig ang mukha ni Laila sa dibdib niya at hinayaan niyang ilabas nito ang mga nararamdamang sakit. "At kung marunong siyang magmahal ay hindi niya gagawin ito sa iyo" patuloy ni Laila habang nakayakap pa din kay Isagani. "Masyado siyang binulag ng ambisyon niya Laila kaya hindi na niya naiisip ang damdamin ng ibang malapit sa kanya."sagot ni Isagani Sa gitna ng pag iyak ay nararamdaman ni Laila ang paghanga kay Isagani. Dahil bukod sa hindi ito masyadong nagalit sa pangyayari ay parang pilit pa din nitong inuunawa kung bakit nagkaganoon ang kanyang kaibigan. Biglang natigilan si Isagani at naramdaman yun ni Laila. "Bakit Isagani?" tanong nito nagtataka "Ssshh.. wag kang maingay Laila... may nararamdaman akong mga yabag... dali umalis na tayo dito.. bilisan natin." mahinang sagot ni Isagani Hawak ang kamay ni Laila ay unang lumakad si Isagani na bahagyang nakayuko ang katawan. Panay ang linga nito sa paligid. "Bilisan mo Laila ha... ako na lang ang titingin para hindi mapabagal ang paglalakad mo. Nararamdaman ko may mga tao." si Isagani. "Sige Isagani." sagot ni Laila "Ihahatid kita hanggang dun sa isang daanan papuntang kapatagan. Duon ko na ituturo sayo kung saan ka dadaan para may masakyan ka papuntang terminal... delikado pa din ang sitwasyin mo dito." sabi ni Isagani "Eh paano ka Isagani?" pag aalalang tanong ni Laila. "Ako na bahala sa sarili ko Laila. May mga alam pa kong pwede kong pagtaguan. Ang mahalaga ay makaligtas ka. Iisipin nilang kasama ka namin Laila kaya hindi ka ligtas dito." sabi ni Isagani Binilisan ni Isagani ang paglalakad habang hawak ang kaliwang kamay ni Laila. Lalandasin nila ang kabilang panig ng bundok upang makarating si Laila sa kapatagan. Bigla silang may narinig na sigaw. "Ayun may tao pa dun. TIGIIIL." Nagpaputok ito bilang warning shot. "Takbo Laila.... bilisan mo... wag kang bibitaw sa akin." "eeeehhhh..Isaganiiii.." "Laila basta wag ka bibitaw." "HABULIN SILA BILISAN NYO." Hindi na pinapansin ni Laila ang dinadaanan. Mahigpit ang pagkakahawak niya kay Isagani.. ganun din si Isagani mahigpit din niyang hawak ang kamay ni Laila habang ang isang kamay nito ay humahawi sa maliliit na sanga na nakaharang sa kanilang dinadaanan.. "Wag kang lilingon Laila." "Oo Isagani." Naririnig ni Laila ang mga yabag na humahabol sa kanila at sa kanyang pakikinig ay maraming paa yun na tumatakbo. Biglang nagpaputok ang humahabol sa kanila. "Eeeeeeehhh.." sigaw ni Laila "Laila bilisan mo pa." "Isagani natatakot akoooo." "Hawak ka lang bilisan mo pa." Muli na naman silang nakarinig ng sunod sunod na putok. "Hindi ko na kaya Isagani." "Konting bilis pa Laila.." Hindi alam ni Laila at Isagani na isang matarik na bangin ang dulo ng binabagtas nilang daan. Patuloy pa din sila sa pagtakbo... patuloy pa din ang paghabol sa kanila ng mga sundalo. Hanggang narating nila ang dulo na bangin na ang kasunod ay wala na silang matatakbuhan pa. Unang lumingon si Laila at sa kaniyang paglingon ay nakita na niya ang mga armadong sundalo na papunta na sa kanila kaya tinaas niya agad ang kanyang dalawang kamay. "Hindi po kami lalaban.... wag nyo po kami barilin." sigaw ni Laila.. Ikinubli niya si Isagani sa kanyang likuran habang siya naman ay nakadipa kaharap ang mga sundalo. Pinaligiran sila nito. "Sir siya siguro yung babae na itinawag sa istasyon." sa pagitan ng kanyang nerbiyis, paghingal at pag iyak ay narinig ni Laila na sinabi ng isang naka unipormeng sundalo na isa sa mga nakatutok sa kanila. "Miss umalis ka diyan. Baka mapahamak ka pa... tumabi ka na miss." utos sa kanya ng isa. "Hindeeee.... hindi po sya masamang taooo... maawa po kayooo.... wag nyo po siyang barilin.... hindi po siya masama maniwala po kayo saken." Nagkatinginan bigla ang mga nakatutok dahil hindi nila maintindihan ang sitwasyon. Alam nilang isang rebelde ang tinutugis nila na ngayon ay kinukublihan ng babaeng sibilyan na itinawag na iligtas nila. "Sumama ka na sa kanila Laila... iwan mo na ko dito. Iligtas mo sarili mo." pakiusap ni Isagani kay Laila. "Hindi Isagani... hindi kita iiwan dito." palahaw ni Laila. "ibaba mo baril mo." utos ng isang lalaki kay Isagani "Isagani ibaba mo na baril mo... parang awa mo na wag kang lalaban Isagani.." "Hindi po siya lalaban... ibababa na po niya baril niya." patuloy sa paghihisterikal si Laila "Papatayin din ako ng mga yan Laila... mamamatay din lang ako... lalaban na din ako." sabi ni Isagani "Isagani... wag mong gawin yan... sumuko ka na lang Isagani... mahal kita Isaganiiiii." Biglang naiyak si Isagani. "M-mahal din kita Laila." "Isaganii.... ibaba mo na yan pleaaaaaase." "Ibababa na po niya... wag po kayong magpapaputok... hindi po siya lalaban... " hindi na malaman ni Laila kung sino haharapin niya... naroong baling siya sa mga sundalo at baling kay Isagani pero ang katawan niya ay nanatiling ginawa nyang pangkubli kay Isagani. Patuloy sa kanyang paghikbi ay hinawakan niya ang kamay ni Isagani na may hawak na armas at iginiya niya ito na ibaba. Lumingon muli si Laila sa mga sundalo. "Ibababa na po niya." sabi niya sa mga sundalo. Subalit imbes na ibaba ang hawak na baril ay nagpadausdos si Isagani sa bangin at nagpagulong gulong ito hanggang hindi na makita ni Laila si Isagani dahil sa mga makakapal na dahon ng mga puno sa ibaba ng bangin. "Isaganiiiiiiiiiiiiii.... Isaganiiii....." napaluhod bigla si Laila habang nakatanaw pa din sa bangin na pinaglaglagan ni Isagani. "Isaganiiiiiii." patuloy sa pagpalahaw at pagsigaw si Laila. "Men, tingnan nyo." utos ng isang lalaki. Tiningnan lahat ng mga sundalong naroroon sa bangin ang lalaking tinutugis nila. "Sir masyadong mataas. Hindi na abot ng tingin namin ang pinagbagsakan. Hindi mabubuhay yun sa taas nito." sagot ng isa. "Miss tara na." "Isaganiiiiii..." Pakiramdam ni Laila ay pinatay na din siya ng mga oras na yun. Inalalayan siya ng dalawang sundalo at hindi na niya halos alam ang nangyayari. Panay pa din ang usal niya sa pangalan ni Isagani. Namalayan na lang niya na nasa sasakyan na siya ng mga sundalo. Nakatulala pa din at mugto ang kanyang mga mata sa luha.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD