"Ate babalik ako sa kabundukan bukas." paalam ni Laila sa ate niya.
"Hoy Laila kasal mo na sa isang araw ano pa ba naman yang pumasok sa kukote mo." sagot ni Leslie.
"Ate, seryoso ko. Kailangan kong malaman ang totoo. Karapatan kong malaman ang totoo. Kapag sinabi ni Isagani na si Kumander ang nagpadukot sakin, okey tuloy ang kasal. Kailangang dalhin ko ang mga litrato ni Isagani at Rigor. Alam kong malaki maitutulong nun." paliwanag ni Laila
"Sigurado ka ba talaga diyan Laila sa gagawin mo?" pag aalala ni Leslie
"Ate, ikaw man ang lumagay sa katayuan ko parehas lang din ng nararamdaman ko ang mararamdaman mo. Wag kang mag alala sa akin ate. Hindi ako maaano dun... babalik din ako agad." sagot ni Laila
"Teka may nagtext." dinampot ni Leslie ang phone at binasa ang text.
"Laila, nagtext si Rigor. Daanan ka daw ng maaga saglit lang daw. Gusto ka daw makita nung kliyente niya na dadalhan nyo daw ng imbitasyon"
"Tsk... sige kamu ate pa reply na lang."
"Ok. O ayun. So pano yan?"
"Bahala na ate"
"Sige na at maaga daw kayo bukas"
Kinabukasan ay maaga ngang dumating si Rigor. Hindi na hinayaan ni Laila na bumaba ito para mapabilis ang kanilang lakad.
"Good morning love. May lakad ka bang iba?" bungad ni Rigor
"W-wala naman love. Maaga lang ako gumising sabi mo daw kasi sa text maaga ka dadaan." sagot ni Laila
"Oo love. Yung kliyente ko kasi gusto niya pag nagbigay ako ng imbitasyon gusto nya kasama kita para daw makilala ka naman nila. Siempre hindi naman natin pedeng hindian yun saka kliyente yun love."
"Ok no problem love."
"Then after, beauty rest ka na ha."
Hindi na sumagot si Laila at naghintay na lang na makarating sila sa pupuntahan. Parang gusto ng sabihin nito kay Rigor na bilisan na ang pagdadrive dahil pakiramdam niya ay napakabilis ng oras na dumadaan. Nahalata ni Rigor ang mga kilos ni Laila na para itong nagmamadali. Naisip niya na baka totohanin nito ang pagbalik sa kabundukan.
"Are you sure wala kang pupuntahan love ha." paniniguro ni Rigor
"Love wala nga." sagot naman ni Laila.
Hanggang sa dumating na sila sa restaurant. Sarado pa yun pero alam na darating sila.
"Sige love mauna ka na bumaba ayusin ko lang pag park. Ako na magbitbit ng invitation." sabi ni Rigor
Pagkasabi nun ay agad ng bumaba si Laila ng kotse at pumunta kung saan may silong dahil nagsisimula na ang init kahit maaga pa lang. Dun na lang niya hinintay si Rigor hanggang ito ay makapag park. Dinampot na ni Rigor ang imbitasyon at akmang bubuksan ang pinto ng kotse ng namalayan niyang may bumagsak pagkakakuha niya ng imbitasyon. Dinampot niya upang tingnan iyon. Laking gulat niya ng makita ang litrato niya nung college at kasama niya si Isagani. Hindi agad siya nakababa ng kotse at nag isip siya kung paano napunta duon yun samantalang nasa bagong bahay niya yun kasama ang mga personal niyang gamit. Naisip niyang bigla nung sinama niya si Laila dun sa bahay at maaaring nasa bag niya yun at nasama sa imbitasyong hiningi niya ng nakaraang gabi... at maaring may ideya na si Laila na magkakilala nga sila ni Isagani. Yun din marahil ang pakay ni Laila kung kaya't gusto nitong bumalik sa kabundukan.
Napansin niyang kaway na pala ng kaway si Laila. Maaaring nainip na to. Itinago na muna niya ang litrato bago siya bumaba. Hindi dapat mahalata ni Laila ang biglaan niyang pagkabalisa.
"Ang tagal mo namang bumaba love." medyo iritang tanong ni Laila.
"Sorry love akala ko kasi nasira yung zipper ko. Ayaw umangat, dinahan dahan ko eto buti naiangat ko. Sorry ulit.. let's go." yaya ni Rigor
Tinawagan ni Rigor ang kliyente niya at mabilis naman nitong nabuksan ang entrance ng restaurant.
"Good morning sir... mam... by the way this is my fiancee soon to be Mrs.Rigor Ramirez.. si Laila.. and love these are one of my best clients Mr and Mrs. Talucod." pakilala ni Rigor
"Hello po sir... mam." bati naman ni Laila sa mag asawa.
"Good morning din sa inyo. Ano nga pala gusto nyo? breakfast, magpapahanda ako?" alok ni Mr.Talucod.
"Ay hindi na po sir." sapo agad ni Rigor
"Drinks na lang, coffee, juice or softdrinks?" alok ni Mrs.Talucod
"O sige po coffee na lang... sayo love?" tanong ni Rigor kay Laila
"Coffee na din."
Habang nagkakape at nagkaroon ng konting kwentuhan, ay hindi nawawala ang pagkabalisa ni Rigor. Natatakot siya sa posibleng mangyari at isang paraan na lang ang naiisip niya para matapos na ang lahat ng iyon.
"Ah excuse me sir... mam.. Can i use the washroom?" paalam ni Rigor
"Ah sige, ayan lang liko ka lang dyan then diretso." sabi ni Mr.Talucod.
Nagkataon naman na gusto ding gumamit ng cr ni Laila at naunahan lang siya ni Rigor. Nakahiyaan niya tuloy na magpaalam din sa mag asawa. Subalit ilang minuto lang ay hindi na din niya matiis at nagpaalam na din siyang mag cr.
"Katapat lang din iha ng cr na panglalaki. Mukhang natagalan yata si Rigor ah." sabi ni Mr. Talucod
"Tingnan ko na din po." sabi ni Laila
"Papasok na si Laila ng cr ng marinig niyang may kausap si Rigor sa telepono nito at napigil niya bigla ang kanyang pag ihi.
"Yes po sir.. mag rereport po sana ko. Ako po yung boyfriend ng kinidnap 5 months ago. Yes po, yung sa jeep po. Yes sir nakatakas po yung girlfriend ko. Eto nga po at parang nagka trauma. Sir mga NPA po ang dumukot sa kanya at sinabi po ng girlfriend ko kung saan matatatagpuan yung kuta nila. Sana naman po mabigyan po ng justice.yung nangyari sa girlfriend ko... yes po... sige po ng mawala ng yung mga ganyang tao po... dun daw po sa....."
Hindi na tinapos ni Laila ang sasabihin ni Rigor at maliwanag sa kanya na may plano siyang isuplong ang kuta nila Isagani. Kailangan niyang gumawa ng paraan. Hindi na siya mapakali at hindi niya maitago yun sa mag asawang Talucod.
"Laila are you okey?" tanong ni Mrs.Talucod
"Mam, para po kasi kong masusuka." katwiran na lang ni Laila.
"Naku mukhang may laman na yata ah." sagot naman ni Mr talucod.
Nginitian na lang ng pilit ni Laila ang mag asawa.
Siyang paglabas ni Rigor. Gusto na niyang sampalin si Rigor pero mas kailangan niyang kumilos para kila Isagani... sa mga bata at lahat ng naroon sa kabundukan.
"Love, masama pakiramdam ko." arte ni Laila
"Rigor, it's okey. Sige ihatid mo na ang misis mo at mukhang masama ang timpla ng katawan." si Mrs. Talucod.
"Ah sige po sir.. mam.thank you po. Asahan po namin kayo." paalam ni Rigor
"Thank you po." paalam din ni Laila
"Ano ba nangyari sayo love?" tanong ni Rigor
"Hatid mo na ko sa bahay kumasim yata sikmura ko sa kape. Bilisan mo lang ng konti... love" parang ayaw ng lumabas sa bibig ni Laila ang tawagin na love si Rigor
Lulan na ng kotse ay hindi pa din mapalagay si Laila. Kung marunong lang siyang mag drive ay baka naagaw na niya kay Rigor ang manibela.
"Eto nga palang number ko. Kung sakaling magkaproblema ka o kayo tawagan mo lang ako"
Naalala niyang biglang sinabi ni Isagani sa kanya. Kinalkal niya ang bag niya. Subalit hindi niya makita ang kapirasong papel na pinagsulatan ni Isagani ng number niya. Hindi naman niya maitaob ang bag niya dahil makikita ni Rigor ang mga litratong kinuha niya sa nga gamit nito.
"May nawawala ba sayo Love?" tanong ni Rigor.
Iniisip naman ni Rigor na ang picture na kinuha nito ang hinahanap ni Laila.
"Wa-wala... yung hikaw na binigay ni ate naalala ko lang bigla.. hindi ko maalala kung saan ko nailagay. Yun kasi susuotin ko bukas. Baka naitabi ko sa kwarto." palusot ni Laila
"Don't worry malapit na naman tayo senyo." si Rigor
"O eto na.".sabi ni Rigor.
"Ok sige bye. Usap na lang tayo mamaya sa phone ni ate." paalam ni Laila
"Okey lagi nating nakakalimutang bumili ng bago mong cellphone." si Rigor
Hindi na sumagot si Laila at nagmadali na itong pumasok ng bahay.
Pagkalayo ng konti ay tinawagan ulit ni Rigor ang presintong kausap niya kanina.
"Update sir."
"Pinaplano na po sir ang gagawing pag atake sa location po na sinabi nyo sir. Tawagan po namin kayo mamaya"
"Thank you. Magbigay po ako ng konting reward sir after po nito."
"Sorry Isagani. Mapatawad mo sana ko." bulong sa sarili ni Rigor
"Ate... ate..." sunod sunod na tawag ni Laila
"Oh humihingal ka. Ano ba nangyari?" si Leslie
"Lalong lumakas ang hinala ko. Malaki ang kinalaman ni Rigor sa pagkidnap sa akin. Kung ano man ang dahilan, si Isagani ang makakasagot nun. Ay ate... ate tulungan mo ko maghanap ng number ni Isagani... hanapin mo." itinaob na ni Laila ang bag at pinagtulungan nilang magkapatid hanapin ang kapirasong papel.
"Bakit ba Laila. Bakit mahalagang makita natin yung number ngayon akala ko pupunta ka naman dun?" taranta na din si Leslie
"Ate narinig ko kanina. May kausap si Rigor sa telepono. Sigurado kong pulis o sundalo ang kausap niya at pinatutugis niya ang mga kumidnap sa akin. May kinalaman ate si Rigor sa pagkidnap sakin. Kaya niya pinapatugis ito dahil takot siyang malaman ko ang katotohanan. Ate, mapapahamak ang mga tao dun. May mga batang inosente dun ate. Hindi mo ba makita number?"
"Ano ba kasi itsura nun?"
"Akina yung bag saka ung picture... aalis na ko ate sana abutan ko pa bago ko maunahan ng mga sundalo."
"Mag iingat ka bunso"
"Anong klaseng pagmamahal to Rigor. Anong dimonyo ang pumasok sa utak mo?" nagngangalit na sabi ni Laila sa sarili
Mabilis na sumakay ng jeep si Laila para pumunta ng terminal ng bus. Swerte namang paalis na ang bus papuntang nueva ecija ng siya ay sumakay. Limang oras... limang oras bago pa siya makarating sa pupuntahan. Kung anu ano tuloy ang pumapasok sa isip nya. Paano kung huli na ang pagdating niya? Ano dadatnan niyang eksena duon. Sana ay matanawan agad ng nagbabantay ang mga padating. Sana ay walang masaktan. Nagdarasal si Laila habang ito ay nasa byahe. Bakit nagawa ni Rigor ang ganuong kasamaan? Kung talagang si Isagani ang kaibigan niya nung nasa kolehiyo pa lang siya, bakit parang balewala dito kung masaktan o mamatay ang kaibigan? Ano ba ang nangyayari sa taong dapat ay pakakasalan niya?
"Diyos ko, huwag naman po sana mapahawak ang mga tao dun. Panginoon, nakikiusap po ako, iligtas nyo po sila. Iligtas nyo po ang mga bata... iligtas nyo po si Isagani." usal na dasal ni Laila habang patuloy pa din ito sa byahe.
Mabilis na ang bus na sinasakyan niya dahil wala naman trapik pero parang gusto pa niya itong pabilisan. Maaari kaya niyang sabihin sa driver ang totoong pakay niya para bilisan pa lalo ito, dahil may mga buhay na kailangan niyang iligtas.
Kilala niya si Isagani. Alam niyang hindi ito susuko. Makikipaglaban ito kahit na kapalit ay ang kanyang buhay. Hindi alam ni Laila pero naiiyak na siya dahil nagiging negatibo ang naglulumikot sa kanyang utak. Na iimagine niya na napapalibutan ng mga sundalo ang buong kuta. Wala na silang malulusutan at dahil ayaw sumuko ng iba ay nakipag laban pa din ang mga ito. Maraming namatay. Iniiwasan ng mga sundalong tamaan ang mga bata pero dadalhin nila ito. Si isagani ay patuloy ang pakikipagpalitan ng putukan. Ayaw pa din nitong sumuko kahit alam nitong wala na itong kalaban laban. Matapos nun ay puputulin mismo ni Laila sa kanyang isipan ang naiimagine niya.
Diyos ko abutan ko pa po sana. Humanap ng paglilibangan si Laila upang mabawasan ang inip niya at pag aalala. Binuksan niya ang kanyang bag. Tanging nakita niya ay ang mga litrato na kinuha niya sa mga gamit ni Rigor. Dahil itinaob nga pala niya ang kanyang bag paghahanap ng phone number ni isagani na binigay sa kanya.
Muli niyang pinagmasdan ang mga litrato. Nangiti siya dahil pawang mga masasaya ang mga mukha ng dalawa sa bawat litrato na tinitignan niya. Napansin din niyang parang nagkulang yung mga litrato. Inisip niyang baka naiwan niya kasama pa ang ibang gamit na nasa bag niya.
Nahinto si Laila sa picture ng dalawa na magkaakbay at masayang masaya na parang tumatawa aa litrato. Hinawakan niya isa isa ang mga mukha nito sa litrato. Isa isang nagbagsakan ang luha ni Laila. Ang dalawang lalaki na minamahal niya sa loob loob niya.
Nakakaramdam siya ng panghihinayang sa nangyayari sa kanila ni Rigor. Nanghihinayang siya sa mga panahon na ginugol nila bilang magkasintahan... nung bumubuo pa sila ng pangarap. Dumating din ang pagkakataon na naramdaman ni Laila na mahal na mahal na niya si Rigor at muntik muntikan na niyang ibigay ang p********e nito kung pinilit pa siya nito ng kaunti.
"Happy anniversary love." bati sa kanya nuon ni Rigor at pinuntahan pa siya nito sa eskwelahan. Tinutukso tuloy siya ng mga co teachers niya at ng iilang estudyante dahil nakita ng mga ito na may dala pang bouquet of flowers si Rigor at mga chocolates nung pumunta ng school. Tatlong taon na silang mag boyfriend girlfriend nuon pero maipagmamalaki ni Laila na hindi pa nakuha ni Rigor ang virginity niya. Pagkatapos nilang mamasyal nuon ay niyaya siyang manuod ng sine ni Rigor. Sa pinakadulo siya dinala ni Rigor na walang tao na sa likod nila. Pagkaupo pa lang ay inakbayan na agad siya ni Rigor. Habang sila ay nanunuod ng palabas ay paminsan minsan itong numanakaw ng halik sa kanyang pisngi na hinahayaan lamang niya dahil nalilibang siya sa pinapanuod sa malaking screen. Malauna'y naramdaman na lang niya na nakababad na ang labi ni Rigor sa leeg niya sa bandang tenga. Nahahati ang atensyon niya sa pinapanuod at sa mainit na hininga na nanggagaling sa bibig ni Rigor na nagbibigay sa kanya ng kakaibang kiliti. Ang kamay naman nitong nakaakbay sa kanya ay dumausdos sa kanyang bewang. Mula sa kanyang bewang ay naramdaman niyang unti unting umaakyat ito sa kanyang dibdib... luminga linga si Laila at napansin niyang wala silang katabi at malayo ang pagitan sa susunod na upuang may nakaupo kaya hinayaan niya si Rigor sa paglulumikot nito. Hinapit nito ang bewang niya kaya lalo siyang napadikit kay Rigor. Mula sa kanyang leeg ay gumapang ang labi ni Rigor at hinanap ang labi ni Laila. Hindi naman niya pinahirapan si Rigor na mahanap ang labi niya. Tinanggal niya ang atensiyon sa pinapanuod at humarap kay Rigor. Mainit ang mga halik na ibinibigay ni Rigor habang ang isang kamay nito ay nakadukot sa ilalim ng kanyang blouse at nilalaro salitan ang kanyang mga dibdib. Aminado siya na nakakaramdam siya ng kakaibang init sa ginagawa ni Rigor at nararamdaman niya na alam ni Rigor yun. Binulungan siya ni Rigor at niyayaya siyang ituloy pa ang kanilang ginagawa. Naiisip na lang niya na ikakasal na din naman sila bakit hindi pa sa araw na lang ng kasal niya ibigay ito. Kapag naiisip niya ang bagay na yun ay naiiwasan niya din ang matukso at hindi namang ugali na pilitin siya ni Rigor dahil minsan na nila itong pinag awayan. Isa yun sa mga dahilan kung bakit niya minahal si Rigor. Iginalang ang kanyang pasya at talagang matiyaga itong naghintay. Kaya't nanghihinayang siya sa mga nangyari sa kanila pero pakiramdam niya ay hindi ang dating Rigor ang minahal niya. Napapaiyak sI Laila sa posibilidad na hindi matuloy ang kanilang kasal dahil pinangarap din niya ito. Paano niya papakasalan ang isang tao na sa tingin niya ay kriminal at handang ipahuli o ikamatay man ng kaibigan nito at napunta naman ang atensiyon ni Laila sa mukha ni Isagani sa litrato. Hindi niya kakitaan si Isagani na magiging rebelde ito. Siya nga marahil ang kinukwento ni Rigor na mayaman niyang kaklase dahil nasa itsura nito nung nasa college pa. Si Isagani na ilang buwan lang niya nakasama. Si Isagani na laging kasama niya at dinadamayan siya. Si Isagani na may iba mang pananaw sa buhay ay may isang salita at may prinsipyo. Si Isagani na natutuhan niyang mahalin sa maikling panahon. Naalala niya tuloy ang ginawa niyang pamboboso dito nung naliligo ito sa batis. Kung hindi dahil kay Ka Lota ay hindi sana siya mabubuking nito. Nangingiti si Laila sa alalahaning yun pero patuloy ang paminsang minsan pagpatak ng kanyang luha.
Mabilis ang takbo ng bus. Alam ni Laila na malapit na siya dahil nakikita niyang puro matataas na talahiban ang mga nasa gilid ng kalsada. Walang mga bahayang nadadaanan. Tama siya malapit na nga siya. Nakikita na niya sa malayo ang bundok. Ang bundok na may isang oras pa niyang aakyatin kung mabilis siyang lumakad.
"Paraaaa..." sigaw ni Laila.
"Mama para po." ulit ni Laila na parang hindi narinig ng konduktor at driver ang pagpara niya.
Pagkahinto ay napansin pa ni Laila ang mukha ng konduktor na parang ito ay nagtataka sa kanyang bababaan dahil wala ngang bahayan duon.
Tiningnan muna ni Laila ang bundok pagkababa niya ng bus. Isang hingang malalim at nagsimula na siya ng mabibilis na lakad na may dalang pag asa na hindi pa huli ang lahat.
Lakad takbo na ang ginawa ni Laila dahil malapit ng magdapit hapon. Pinakikiramdaman niya ang paligid. Pinakikinggan niya kung may maririnig siyang pagputok ng baril. Nasa paanan na siya ng bundok. Hindi niya inisip ang pagod at hirap ng pag akyat ng bundok dahil mas mahirap ang pag akyat kaysa sa pagbaba ng bundok. Naglalakad siya ay naisip pa niya na kaya siguro combat shoes ang suot ng mga sundalo dahil siguro yun sa makapal na suwelas nun na kumakapit sa tinatapakan, para marahil yun sa mga mabato, madulas o kahit ano pang dadaanan. Lingid sa kanya, isang pwersa ng mga sundalo na ang mas malapit sa pinaka kuta nila Isagani. Sige pa din si Laila, humihingal pero hindi na niya maisip na huminto kahit sandali. Bawat segundo sa kanya ay mahalaga.
Sa kabilang dako ay hindi mapalagay si Rigor. Ayaw din niyang masaktan ang kaibigang si Isagani. Nais lamang niya takutin ang mga ito at mag alisan sa lugar na yun upang hindi makita ni Laila at makapagtanong ito tungkol sa kanilang kasunduan. Kung may masama mangyayari man, nais lang niya ay mahuli ng buhay ang mga taong labas kasama na duon si Isagani kung hindi man ito makakatakas. Alam niyang maikasal man sila ni Laila ay hindi niya mapipigilan ang mapapangasawa na isang araw ay bumalik ito ng kabundukan at malaman niya kay Isagani ang buong katotohanan. Naging tapat man sa kanya si Isagani pero maaaring magsalita ito ng totoo kay Laila dahil na din sa mga litratong nakita nito na magkasama sila.
Hindi mapalagay si Rigor, kinakabahan din siya sa maaaring mangyari. Parang inuusig siya ng kanyang konsensya. Naisipan niyang tawagan ang ate ni Laila upang kahit papaano ay mabawasan ang tensyon niyang nararamdaman kung makakausap niya si Laila.
"Hello ate Leslie." si Rigor sa kabilang linya.
"O hello Rigor napatawag ka?" tanong naman ni Leslie na ayaw ipahalata kay Rigor ang kanyang mga nalaman bagama't wala pa itong kumpirmasyon.
"Ate, ready na po ba kayo para bukas?Excited na kasi ko eh." tanong ni Rigor
"Ah. eh.. O-oo Rigor... handa na kami... eto nga inaayos ko na din pati isusuot naming mag asawa at ng mga bata. lkaw ba?" tanong ng medyo taranta na ding si Leslie
"Okey naman ako ate. Ate pwede bang makausap ko sandali si Laila. Pasensya ka na ha nalilimutan kasi naming bumili ng cellphone sa dami ng inasikaso namin nung nakaraang araw." si Rigor.
"Ri-rigor wala si Laila eh." sagot ni Leslie.
"Wala si Laila ate? Saan daw nagpunta?" nabigla at gulat na gulat na tanong ni Rigor
"Eh.. sa.. sa kaibigan daw niya.. sa..sabi niya..s-sandali lang daw siya." hindi na mabuo ni Leslie ang pagsasalita
"Ate akala ko masama pakiramdam niya. Anong oras siya umalis?" mabilis at papadyak padyak na si Rigor sa kinatatayuan
"Kanina pang umaga pagkahatid mo Rigor." sagot ni Leslie.
"Sige ate tatawag ako ulit." mabilis na paalam ni Rigor.
Sigurado si Rigor na nagpunta ng kabundukan si Laila. Hindi niya talaga naawat ang kasintahan sa gusto nitong mangyari. Pero paano kung madamay si Laila sa paglusob ng mga sundalo duon. Baka mapagkamalan din nila si Laila na isa sa mga taong labas. Diyos ko anu ba tong nagawa ko sa loob loob ni Rigor.
Tinawagan niya agad ang kontak niyang presinto upang ipagbigay alam ang babala nito.
"Sir... sir... ako po yung tumawag na nagsuplong sa mga taong labas. Sir, may problema po ako."
"Under operation na po ang team na pinadala sa location po na sinabi nyo sir. Yes sir ano pa pong concern nila?" sagot ng nasa kabilang linya
Mabilis ang utak ni Rigor pagdating sa paggawa ng mga dahilan.
"Sir, baka po pwedeng itawag sa nasa operation, yung girlfriend ko po pala ay bumalik dun sa kabundukan. Dahil may hinihingi po palang pera ang mga taong labas at kailangan niyang madala yun at huwag daw ipagsasabi sa iba kung hindi daw ay masasaktan ang pamilya nito. Nakaputing tshirt lang siya sir saka maong na pantalon. Sir,tulungan nyo po ako." pakiusap ni Rigor
"Copy sir. Itatawag ko po agad sa commanding officer nila ngayon din po." sagot sa kabilang linya.
"Salamat sir." nangangambang sagot ni Rigor.