"Brad, masayang mabuhay ng walang pinangingilagan. Parehas lang tayo nung una, alam mo yan. Mas matibay ang paniniwala ko, pero ano, sa wala din pala mauuwi lahat." si Diego habang sila ay magkakaharap sa kaunting inuman. "Pa, umiinom ka pa din ba? Baka mapano ka niyan ha?" nang mapansin ni Isagani na may tangang baso na may laman na alak ang ama nito. "Gani, brandy naman to. Saka ilang shot lang naman. Hindi mo alam kung gaano mo kami napasaya ng mama mo ngayon." sagot ng ama ni Isagani "Basta kami ni Laila te table lang sa inyo. Hahaha." singit ng ina ni Isagani "Pero brad na miss talaga kita. Akala ko hindi na tayo magkikita." balik ni Diego kay Isagani "Pag iisipan ko muna brad. Kwentuhan mo naman ako ng nangyari sa yo simula nung nagkahiwalay tayo." si Isagani kay Diego "Kamusta