Umaga na ng nagpaalam si Diego. "Brad, save mo yung number ko. Balitaan mo agad ako kapag nakapag isip isip ka na." paalam ni Diego "Sige brad. Mag iingat ka. Sa susunod sana makilala ko na yung misis mo. Tatanong ko lang kung ano pinakain mo at nagustuhan ka." biro ni Isagani "Hahaha. Luko luko. Laila, yayain mo ng pakasal si Brad." si Diego ""Ha ha ha. Malalaman mo Diegz." sagot ni Laila "Sige po tito... tita baka hindi na ko papasukin ng misis ko sa bahay namin. Mauna na po ako." paalam ni Diego "Mag iingat ka sa pagda drive." si Susan "Ingat Diego." si Jun "Ingat brad. Baka may hang over ka pa ha." natatawang sabi ni Isagani "Brad, kinalabit lang ang bahay alak ko sa ininom natin. Hahaha." sagot ni Diego "Tuloy na ko." dugtong ni Diego at tuluyan na itong lumabas ng gate.