"Ah, wala. S-si ano... si Mama. Dumating na pala kayo. T-tatawagan ko na kasi si mama. Pinatawagan ni Papa at gabi na daw kasi." may gulat pa din sa salita ni Isagani. "Dami kasing pinabili ni Mama. Tara sa baba para makita mo." yaya ni Laila "S-sige mauna ka na. Susunod na din ako sa baba." sabi nito kay Laila "Sige, sunod ka na agad ha." paalam ni Laila bago tuluyang umalis. Napaupo sa kama si Isagani pag alis ni Laila. Hindi pa din masagot ang tanong sa kanyang isip kung bakit gusto ni Rigor na magkita sila. Hindi na din siya nagtanong kung bakit. Siya ang dapat mas humarap kay Rigor dahil sa mga ginawa nitong kasalanan sa kanya. Tiyak na magtatanong si Laila kapag umalis siya sa araw ng pinagkasunduan nila ni Rigor. Kailangan niyang umisip ng paraan. Naging pangkaraniwan ang mg