Wala paring malay si Heaven ng ilabas sa operating room at dalhin sa kanyang magiging kwarto. Sinabi ng doktor na sobrang nahirapan si Heaven manganak at hindi nila inasahan na hindi kakayanin ng bata. Habang iyong baby nila ay nanatili dito, umaasa kaming mabubuhay pa at magising. “Ano!? Nacontact nyo na ba si Vayne?!” Umiiyak na tanong ni Ate Marry. “Wala pa rin, naka-off ang phone niya,” sagot ko. “Hindi kaya may nangyare ng masama sa anak natin?” nag-aalalang sabi ni Tita Vi. “Sweetheart, don’t say that maghintay lang tayo at dadating din si Vayne,” sabi ni Tito Santi. Sandaling katahimikan ang namagitan sa’min. Tahimik na umiiyak sila Tita at Tito Joseph habang buhat ‘yung baby nila Heaven. “M-mom..” sabay sabay kaming napatingin kay Heaven na unti-unting nagmumulat. “Mom..si