PINANOOD ko si Jessie habang inilalatag ang mattress sa sahig ng living room. I told her that I'm fine in the sofa, pero hindi raw ako kakasya dahil matangkad ako. Hindi na ako nakipagtalo nang sabihin niyang maglalabas siya ng mattress na pwede kong tulugan. "Kukunin ko lang ang extra pillow sa cabinet. Nagkukumot ka ba? Medyo mainit lang dito sa sala. 'Yong kwarto lang kasi ang may aircon." "It's okay, Jessie. Unan na lang siguro." "Sige. But don't worry dahil wala namang lamok. Nag-spray ang may-ari bago ako mag-move in." Tumango ako. "That's nice." Iniwan ako ni Jessie para kunin ang mga unan. My phone sounded. Dinukot ko iyon sa bulsa ko at sinagot ang tawag ni Sonny. "Kumusta, Sir Lucas? Effective ba ang idea natin? Katatawag ko lang sa stunt man. Medyo malakas ka raw sumunto