ISANG tikhim ang narinig ko mula sa nilalang sa likuran ko. "Fortunately, I'm already rich. Hindi ko kailangan ang pera mo." Parang huminto ang t***k ng puso ko sa narinig. Kilala ko ang boses na iyon. Ilang sandali akong nag-atubili kung kikilos o hindi, pero maya-maya ay lakas-loob kong nilingon ang nagsalita. My eyes instantly found Lucas. He is raising his brows at me. Parang sinasakal ako sa sobrang kaba. So this is what we call power of money. He finally found me. Alam ko naman na mangyayari ito kaya inihanda ko na ang aking sarili, pero kulang pa rin pala. "Hindi mo ba ako iimbitahin sa loob?" Doon ako nagising. Itinaas ko ang mukha ko kay Lucas. I want to show him that I'm not afraid of him. "I don't entertain visitors particularly an unannounced one. Sabihin mo na lang an