MALAKI ang ngiti ni Vivian habang palapit sa aming pwesto. Kanina pa ito aligaga at abala sa pag-estima ng mga bisita na naroon para maki-celebrate sa kaniyang thirtieth birthday. “Kumusta, guys? Nag-e-enjoy ba kayo?” tanong ni Vivian na agad naupo sa tabi ko at inakbayan ako. Napangiti ako rito sabay bati ulit sa kaniya ng ‘Happy birthday.’ "Thanks! We need to talk later." Pabulong ang pagkasabi niya noon at bahagya pang sumeryoso ang mukha kaya napukaw ang pagtataka ko. "What about?" "Later." Tinaasan niya ako ng dalawang kilay at inilagay sa kamay ko ang baso ng cocktail. "Cheers!" Sumabay ako ng pag-inom habang sa isip ay naroon ang tanong kung anong pag-uusapan namin. Tungkol ba kay Mr. Samaniego? Kahapon lang ako dumating ng San Miguel at gustuhin ko mang simulan ang pagkukw