"THERE'S just a little change in the venue,” imporma sa akin ni Vivian nang tawagan ako nito sa umagang iyon. “May nag-volunteer kasi na magbayad ng lugar para raw mas maraming maka-attend at mag-enjoy." "Talaga? Ang generous naman niyan. So... saan na gaganapin ang party mo?" "Sa isang hotel bar outside San Miguel. Malapit lang din naman. Basta i-message mo agad ako kapag nandito ka na sa Sabado. Susunduin na lang kita sa bahay n'yo." "Ah, hindi na!" maagap na tanggi ko. "Hindi mo'ko kailangang sunduin. Ikaw ang may pa-party, so I’m sure marami kang mas dapat na intindihin kaysa sa mga bisita mo." "Okay lang naman. Bakit naayaw ka? Ipagpapaalam na rin kita sa Mamang mo. Para masigurado ko rin na darating ka." "No need to do that. Alam naman nila na uuwi ako para sa birthday mo. Gan