PARA akong natuod nang tumakbo si Jessie palabas ng suite ni Markus. I am torn between running after her and letting her realize how serious her lies were. I closed my fist and then chose the latter. Nagpigil pa ako nang husto para h’wag siyang sundan, pero ang dibdib ko, kakabakaba at hindi mapakali. I exhaled. D*mn this pride! Umakma akong aalis na rin para humabol nang pigilan ako ng dalawang kamay. “Lucas, please, stay here with me!” Nagmamakaawa ang mukha ni Angelica nang lingunin ko ito. “Don’t waste your time on her. Sinungaling siya at manloloko. Ginawa na niya iyon sa inyo ni Markus. Ngayon, pati ako gagawan niya ng kwento para palabasing mabuti siya. Kapag hinabol mo siya, ikaw lang din ang talo. Just leave her alone.” Inalis ko ang mga kamay niya sa braso ko. “H’wag mo'k