“SAMPUNG taon, Jessabelle…” sambit ni Mamang na patuloy sa paggulong ang mga luha. “Ang haba ng panahong itinago mo sa akin na may anak ka. H-hindi… hindi ko lubos-maisip na nagawa mo 'yon. Napakasakit nito sa akin, pero wala akong magawa. Wala akong magawa para mabawasan ang sakit…” Hindi ko nagawang kumibo. Sa bawat pagbitiw niya ng salita ay ramdam ko ang sakit ng kalooban na tinutukoy niya. Ito ang isa sa mga kinatatakutan ko- ang masaktan ko ang babaeng nagluwal sa akin. Nahahati ako sa pag-aalala, hiya at guilt. Umiling siya at sandalling tumingala upang humugot ng hangin. Kada kibot, senyas at paghinga niya ay nakabantay rin ako- takot na may mangyari na namang hindi maganda kahit sinabi naman ng doktor sa amin na walang dapat ipag-alala dahil maayos ang kondisyon ng puso ni Mama