MUNTIK nang tamaan ng pinto si Angelica kung hindi ito agad nakaiwas. Napamura ito,pero animo tinamaan ng kidlat nang makita ako. "L-Lucas..?" Inalis ko ang tingin dito. Pagbaling ko sa kama ay naroon nga si Jessie- nakahiga, walang malay, halos hubad na habang sa gilid niya ay nakaluhod ang isang lalakeng walang pang-itaas. Naeestatwa ito habang nakatingin sa akin. "S-sino ka?!" Nagtagis ang mga bagang ko. Inilang hakbang ko ang distansiya sa lalake na saka lang natinag at nagtangka pang tumakas, subalit naunahan ko. Nadampot ko agad ito sa batok at saka buong-lakas na inuntog ang ulo nito sa pinakamalapit na dingding. "Sir Lucas!" sigaw ni Kiko na hindi ko pinansin. Tila nawalan agad ng malay ang lalake nang bumagsak sa sahig. "Lucas... mabuti at dumating ka! Nandito ako para hu