"I'M sorry, Sir Markus. Alam kong hindi simple ang nagawa kong ito, pero humihingi pa rin ako ng tawad." He closed his eyes and nodded as if he's beginning to understand everything. I don't know. Dahil naaaninag ko pa rin ang sakit sa imahe niya na dulot ng mga nagawa ko at kung ako ang nasa kalagayan niya ay mahihirapan akong umintindi. We are both silent for a while. Maya-maya ay tumingin sa akin si Mr. Samaniego at kalmadong nagtanong. "How about Lucas? Alam na ba niya ang tungkol kay Elias?" Pumatak ulit ang luha ko at umiling. "Hindi niya alam. Ang paniniwala niya, pina-abort ko ang pinagbuntis ko noon. Ang alam niya, wala na ang anak namin." Halos malukot ang mukha ng kaharap ko. "What?" Napayuko ako. I was biting my inner lip. Kinakain ako ng hiya at guilt. Wala na akong mail