"BUKAS ulit?" tanong ni Lucas nang nasa pinto na kami ng apartment. Unlike last night na maaga siyang umalis, sa gabing iyon ay hinayaan kong ma-late siya nang kaunti dahil wala namang pasok kinabukasan sa school. We are like this for two days after he admitted his feelings for me. Susunduin niya ako pag-awas ko sa school at sabay kaming uuwi ng apartment ko para magluto ng dinner naming dalawa. Pagkakain ay tulong naman kami sa paghuhugas ng pinggan. Pagkatapos ay manonood na kami ng kahit anong pwedeng mapanood habang nagkakape o kumakain ng dessert. Simpleng bonding, pero masaya ang puso ko. And I've never been this happy before. "Matulog ka na agad pag-alis ko. Susunduin kita nang maaga. Puntahan natin 'yong mga sikat na pasyalan at kainan malapit dito." "Sige. Pero sa umaga lan