"THE act may fall into illegal adoption and in our country, illegal adoption is considered as child trafficking," paliwanag ng criminal lawyer na nakausap nina Mr. Samaniego at Ate Cora kahapon. Tatlo kaming nagtungo sa coffee shop nang hapong iyon. Ako, si Ate Cora at si Lucas. Doon namin tinagpo ang abogadong kakilala ni Mr. Samaniego, pero hindi na namin inabala pa ang CEO dahil malaking bagay na ang ginawa niyang iyon para sa kapatid ko. "Mainit ang mata ng ahensiya sa mga ganitong kaso," patuloy nito. "Most of the cases they filed against traffickers are non-bailable, but the court may consider bail eligibility if the prosecution failed to show strong evidences. At malaking bagay rin ang ginawang boluntaryong pag-amin ng kasalanan ni Miss Cabrera." Pare-pareho kaming tahimik nang