"Oh? Kamusta ang pagiging tanga Bess?" Bungad na bati sakin ni Aceshelle. Nang magkita kami sa classroom. "Ayon naman going strong." Hilaw siyang tumawa. "Ayos ang sagot mo parang relasyon lang." "Ikaw kamusta pagiging tanga mo?" Baling kong tanong sa kanya. "Ayun tanga parin ako." Sabay tawa niya. "Rhina, masarap ba? Anong lasa ng katangahan mo?" "Ayun lasang Ampalaya. Yung sayo?" "Lasang bitter." Nagkatinginan kaming dalawa ni Aceshelle tapos sabay kaming tumawa. "Pagtawanan natin ang pagiging Tanga natin Bess." Ani Aceshelle. "Oo nga!" Tumawa kaming dalawa pagkatapos pumalahaw kaming dalawa ng iyak. Wala kaming pakialam kung pagtinginan kami ng tsismosa naming kaklase. Ganoon ang ginawa namin habang wala pa ang professor namin. Nang dumating ang professor namin nag focus kami