Alfred's POV SA MADILIM na bahagi ng lumang gusali na malapit sa pamilihang bayan na 'to. Tanging maririnig mo na lang ang tahol ng aso at paminsan-minsang tunog ng mga dumadaang sasakyan. Isa-isa naming pinarada ang dala naming motor habang hinihintay ang mga taong nais kaming kalabanin. Ilang saglit pa. Lumakas ang kahol ng mga aso dahil sa malakas na ingay ng mga sasakyang isa-isa silang humihinto sampung metro mula sa kinatatayuan namin. May isang grupo na naman kasing sumusubok na pabagsakin ang grupo namin bilang pinakamatinik na gangster sa buong lalawigan. Pinagmasdan namin sila at hindi mawala ang kasiyahan ko habang Isa-isa silang bumaba ng sasakyan nila. Higit labing limang kalalakihan sila kumpara sa bilang naming lima. Lima lang kaming haharap sa kanila dahil kayang-kaya nama