Rhina’s POV PINAGMASDAN ko ang wall clock na nasa dingding ng kwartong tinutuluyan ko ngayon. Pasado-alas Kwatro pa lang ng madaling araw. Ngunit handang-handa na ako para sa jogging namin ni Alfred. Dalawang araw na ang lumipas ng mangyari ang muntikang pagpapakasal ko kay Aries. Sa dalawang araw na lumipas na iyon naging malinaw sa’kin ang lahat. Lalo na ang tungkol sa’min ni Alfred. Wala akong kahati sa puso ni Alfred noon pa man. Dahil ang lahat ng meron sa kanila ni Mimi ay pawang pagpapanggap lang. Kaya pala medyo weird ang tingin ko sa kanila. Magpinsan pala sila. Ang kapatid at magulang ko ay nasa maayos na kalagayan na ngayon. Nabayaran ng mga magulang ni Alfred ang pagkakautang ng magulang ko sa parents ni Aries. Kaya wala na silang magagawa kung hindi ang palayain ako. Si Arie