Alfred's P.O.V. SINUOT ko ang shades ko bago ako bumaba ng kotse. Bitbit ko ang kulay pulang rosas habang binabagtas ko ang daan patungo sa puntod. Dalawang linggo na mula ng Mangyari ang bangungot ng buhay ko. Ang kasal namin ni Rhina ay naging mitsa ng pagkasawi. Inilapag ko ang bulaklak sa ibaba ng puntod at taimtim akong dasal. Palagi kong ginagawa iyon. "Sana matahimik na ang kaluluwa mo." "Excuse me Sir!" Naputol ang pagdarasal ko nang may kumalabit sa braso ko. Nang lingunin ko si Isang magandang babae ang nasa harapan ko. "Why?" "Ahmm.. pwede ko bang mahiram ang lighter mo?" Kinuha ko sa loob ng bulsa ko ang lighter sa pagsindi ng kandila kanina tapos iniabot ko iyon sa babae. "Here!" "Thanks! Anyway my name is Rhina. And you?" "Rhina? Kapangalan mo pa ang asawa ko." Nakar