Ang Lihim Ni Seth AiTenshi "Munting Pangarap" Part 46 FINAL CHAPTER Makalipas ang halos isang buwan ay tuluyan na ngang bumalik sa dati ang lahat. Ang mga tao ay namuhay ng normal at wala ni isa sa kanila ang nakaka alala ng madugong gabing iyon sa pagitan ng tao at mga Manlikmot. Ang hacienda ay muling bumangon at sa pag kakataong ito ay naging mas masagana pa ang pamumuhay sa mga nasasakupan nito. Wala ring matandaan ang mga tao kundi ang mga sunod sunod na pag lindol lamang sa kabundukan sanhi upang masira ito bagamat ang totoo noon ay halos ang kamao ko ang nag wasak ng lahat. Tila isang malaking milagro naman ang ginawa ni Mang Fred dahil sa huli ang kanyang mga biktima ay mga nag kabuhay kapalit ng kanyang pag kalaho sa mundong ibabaw. "Nakaka lungkot lamang na naburang parang b