Ang Lihim Ni Seth AiTenshi "Bagong Araw" Part 45 Nag patuloy pa rin ang labanan sa pagitan nina Seth at Mang Fred. Mahaba ang kanilang sagupaan hanggang sa tuluyan nang nawala ang buwan sa itaas ng kalangitan at bumalik na sila kanilang katawang tao. Parehong lantang gulay at naliligo ito sa kanilang sariling dugo. Hanggang sa maya maya ay aksidenteng tinamaan ng liwanag ng buwan ang katawan ni Seth dahilan para mag bago ang anyo nito at lumamang sa kanilang laban. Parang isang laruan binabalibag nito at inihahampas sa lupa ang katawan ni Mang Fred na noon ay lantang gulay na at wala nang kakayahang kumilos. Sa huling eksena, nakita ko na lamang na nakatayo ang taong lobo na si Seth sa itaas ng isang malaking tipak ng bato habang hawak nito sa leeg ang katawan ni Mang Fred. Mukhang t